Si Juan Ponce Enrile at Commissioner Greco Belgica, bow!

January 29, 2019

TATLONG araw na ngayon matapos ang madugong pambobomba ng mga terorista sa ‘Mt. Carmel Church’ sa Jolo, Sulu, noong araw ng Linggo.

At kung si ‘Manong Johnny’ Enrile (JPE) ang tatanungin, isa sa mga dapat “bantayan” ng lahat na ‘aftershock’ ng krimeng ito ay “paglalim” ng “pagkakahati-hati” ng mga mamamayan sa Sulu sa panig ng mga Kristiyano at Muslim.

Kung babalikan sa ating kasaysayan, ang “pakiramdam” ng ating mga kapatid na Muslim na “pinababayaan” at “inaabuso” lang sila ng mga Kristiyano (na “dumayo” sa Mindanao upang doon na manirahan dahil sa panawagan ni Pang. Ramon Magsaysay na “buksan” ang Mindanao), ang nagbunsod sa kanila sa isang “krusada” na “humiwalay” sa ating Republika sa pamamagitan ng armadong pakikibaka.

At siyempre, hindi lang basta “tamang hinala” ang ating mga kapatid na Muslim dahil nga “nakikita” ng kanilang mga mata ang malawakang ‘encroachment’ ng mga Kristiyano (kasama na ang mga Kastila at Amerikano) sa kanilang mga lupain—”kinakamkam” ang kanilang mga lupain habang “pinagkakaitan” sila ng oportunidad na mabago at umunlad ang kanilang pamumuhay sa usapin ng edukasyon at trabaho.

Sa proseso, bukod sa hindi na sila “makaahon” sa kahirapan, nakikita nilang patuloy na “nawawala” kung hindi man tuluyang nasisira ang kanilang kultura at relihiyon.

Bilang ‘longest serving Philippine defense secretary’ at “katulong” ni Pang. Marcos sa kasagsagan ng ‘Muslim rebellion’ sa Mindanao, na ang nangyaring terorismo sa Jolo noong Linggo ay hindi magdudulot ng takot sa mga mamamayan.

Bagkus, ang ibubunga nito ay mga armadong grupo ng mga sibilyan na “sikretong may basbas” ng ilang mga opisyal ng militar na nakahanda ring maghasik ng sarili nilang terorismo bilang “ganti” sa dinanas nilang karahasan.

Aniya pa nga, “I’ve handled it for 17 years (problema sa Mindanao).

“We have studied the reactions of the Christians especially the Ilonggos and the Ilocanos of Mindanao.

“You remember the Ilaga problem that we had in Mindanao? Don’t ever think that that is dead,” ayon pa sa pahayag ni Manong Johnny.

Sa kasaysayan ng armadong labanan sa Mindanao, ipinunto pa ni Manong Johnny na “hindi nakatulong” ang pagkakaroon ng mga grupong katulad ng ‘Ilaga’ sa paghahanap ng kapayapaan sa Mindanao.

“From 1970 to 1972, the Ilaga became infamous for committing 22 gruesome massacres resulting in the deaths of hundreds of Muslim civilians.

“According to witnesses at the time, Ilaga members mutilated bodies of victims, such as by marking dead bodies with a cross,” punto pa ni Manong Johnny.

Translation? Hindi dapat payagan ng ating mga awtoridad na gawing dahilan ng ilang mga grupong Kristiyano sa Mindanao ang nangyari sa Sulu upang mag-armas at “gantihan” ang hinihinala nilang may kagagawan ng nasabing krimen.

Translation pa ulit: “Kailangan” talaga natin ng isang mambabatas, partikular sa Senado, na may malalim na pagtingin sa bawat isyu at “pinanday” ng mahabang karanasan sa paglilingkod sa bayan, tama ba, kasamang Armand Nocum, hehehe!

* * *

Malapit nang matapos ang “cash-sunduan” ng ating mga mambabatas hinggil sa P3.7 trilyon badyet ngayong taon, mga kabayan. Ang “pinagtatalunan” na lang siyempre ay kung “magkano” ang para kay tong-gresman at sena-tong, hehehe!

Oh yes, dear readers, sa kabila ng desisyon ng Korte Suprema noong 2013, hinggil sa isyu ng PDAF at DAP na “wala” ang mga ito sa ating Saligang Batas, aba’y “tuloy” pa rin sila sa kanilang lihis na gawain.

Kaya mainam na ‘reminder’ sa ating lahat ang natanggap nating ‘text message’ mula kay PACC commissioner at spokesperson, Grego Belgica, patungkol sa isyu ng pork barrel:

“Lump sum and discretionary funds are Pork Barrel funds.

“In 2013, the Supreme Court, in the landmark case of Belgica vs. Executive Secretary, abolished PDAF and declared that the Pork Barrel system is unconstitutional.

“The Supreme Court held, among others, that the proper itemization of budget must be observed.

“Unfortunately, congressmen and senators still create measures to circumvent this prohibition under the guise of good governance.

“Pork Barrel fund is a source of corruption and all corrupt practices must be punished. In this regard, we will submit to the President our analysis of the alleged insertions in the 2019 budget.

“We call on the people to be more vigilant and to campaign against congressmen and senators who continue to use the Pork Barrel through insertions to put themselves into power.

“Walang pagbabago kung puro luma ang namumuno.

“ANG PERA DAPAT HAWAK NG TAO HINDI NG POLITIKO— kung gusto nating umasenso.

“Huwag nating kalimutan ang ginawa ni Napoles et al. Marami pang Napoles ang nakakalat na kasabwat ng mga kongressman at senador na gagamitin ang ‘pork barrel insertions’ para pagkakitaan ang mga proyekto at payamanin ang kanilang mga sarili.”