Silang mga ‘killer’ ni Pangulong Duterte

February 06, 2019

KUNG may natutuwa sa fake news na namatay na si Pangulong Rody Duterte, alam nyo na siguro kung sinu-sino ang mga iyon.

Tiyak naman na sila rin ang nagpakalat ng balitang ito dahil bahagi na ng kanilang tradisyon ang pagdarasal na madedbol na sana ang Punong Ehekutibo.

Sila iyong mga palaging nangungunang nagtatanong at naglalabas ng “hashtagnasaan ang pangulo” sa tuwing hindi nila nakikita sa mga okasyon. Wala namang duda na sila rin ang may kagagawan nitong huling fake news dahil bisyo na talaga nila iyon simula pa noong unang araw ni Digong noong July 1, 2016.

Para sa kanila, mabuti ang mawala na si Duterte dahil iyon ay malaking biyaya para sa kanila. Doon mo talaga makikita kung gaano sila kasakim at gaano sila kawalang malasakit sa bayan.

Alam kaya nila ang posibleng senaryo kung totoo ngang namatay si Duterte? Akala ba nila tatahimik ang bansa at basta na lamang tatanggapin ng publiko ang senaryong wala na si Duterte?

Maghunos-dili kayo dahil hindi nyo alam ang inyong ginagawa. Kahit ano pa ang sabihin nyo, si Pangulong Duterte lamang ang lider na ramdam ng publiko mula ulo hanggang paa.

Si PRRD lang ang nakita natin na sa tuwing may insidenteng apektado ang buong bayan, naroon agad siya sa ground zero. Kahit anong sama ng panahon, kahit hindi maka-landing ang kanyang chopper, kahit amoy pulbura pa ang paligid ay makikita mo na agad siya sa scene.

Katulad nitong kampanya laban sa illegal drugs. Wala pang lider ng bansa ang seryosong kumilos laban sa sindikato ng mga ipinagbabawal na gamot. Mas marami tayong kababayan ang natutuwa sa anti-drugs campaign ng Duterte administration dahil kahit paano, nabawasan na ang mga akyat-bahay, nabawasan na ang mga riot sa mga kalye, nabawasan na ang mga rapist, nabawasan na ang mga snatcher at mga holdaper.

Totoong walang perpektong mundo, mayroon pa ring mga kriminal kahit saang parte ng bansa, lalo na sa Metro Manila, pero kung ikukumpara sa mga nagdaang administrasyon, mas safe pa rin ngayon.

At iyon ang dahilan kung bakit 81% pa rin ang trust rating ni PRRD sa kabila ng massive propaganda laban sa administrasyon.

Hindi ko alam kung may darating pang isang lider na katulad ni Duterte. Tumingin kayo sa inyong paligid, masdan nyo ang constructions ng ating MRT, ng LRT, ng mga public terminal, ng mga highway, ng mga magagandang tulay, ng mga seaport, ng mga airport. Lahat yan ay nangyayari lang sa ilalim ng Duterte administration.

Sobrang wholistic approach ang uri ng governance ni Duterte na hindi pa nangyari kahit kailan sa ating bansa. Habang nilinis ang gobyerno, nakita natin kung ano ang ginawa nila sa Boracay na binaboy sa mahabang panahon. Ang Manila Bay na naging tambakan ng basura at naging malaking kanal ay inaayos na rin at sentro ng atensiyon ng bansa at ng buong mundo.

Tingnan mo nga naman, sa dami ng ginagawa ng Presidente at sobrang abala sa pagsasaayos ng bansa na binaboy nila, napag-isipan pa nilang patayin.

Kung kayo kaya ang  ilibing nang buhay ng ating mga kababayan dahil sa ginagawa nyong panggugulo?

Ang kakapal talaga ng mukha nyo!
allanpunglo@gmail.com