Home>Editorial>Opinion>SIPAG at tiyaga sa Urban Gardening

SIPAG at tiyaga sa Urban Gardening

SA GITNA ng COVID-19 pandemic, dumami ang Plantita at Plantito hindi lamang sa mga lugar na malalawak ang lupa kundi maging sa syudad na may maliliit lamang na espasyo sa mga bahay.

Kaya masasabi natin na kung may buting idinulot ang pandemyang ito sa pamumuhay natin, ito ay ang nagkaroon ng pagpapahalaga ang marami sa pagtatanim, hindi lamang ng mga simpleng bulaklaking halaman kundi maging ng mga kapaki-pakinabang na tanim tulad ng mga gulay at prutas.

At sa tingin natin kahit matapos na ang krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, magpapatuloy na ang ugali ng mga plantito at plantita na tila naadik na sa pagtatanim.

Para rin itong si Senador Cynthia Villar na hindi na papaawat sa kanyang adbokasiya sa urban gardening na malaking tulong sa ating bansa.

Kamakailan lamang ay namahagi ang senadora ng 50 sako ng fertilizer at 24 pakete ng binhi sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Marikina City upang makatulong sa pagpapatayo ng farms at vegetable gardens bilang suporta sa layunin ng siyudad na food sustainability sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ang mga donasyon, sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ay ibinigay sa National TVET Trainers Academy ng TESDA (NTTA-TESDA) Marikina City.

Tugon ito ni Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, sa apela ni Perla Lucas, NTTA-TESDA Administrator, kaugnay ng kanilang adbokasiyang gawing ‘urban farms’ at taniman ng iba’t-ibang gulay ang mga bakanteng lote at pocket spaces.

Ayon kay Villar, nanggaling ang organic fertilizers sa kitchen waste na kinolekta sa mga kabahayan sa Las Pinas City.

Dinala ang mga ito sa composting at vermi-composting centers kung saan ginawang organic fertilizers.

Our composting and recycling projects have transformed 70% of Las Pinas City’s household wastes into reusable resources and enabled us to save on garbage hauling services,” sabi ni Villar, chairperson din ng Senate Committee on Environment.

“This is very timely given the challenges on garbage collection with the ongoing restrictions brought about by the COVID-19 pandemic,” sambit pa nito.

Sabi pa ng senadora, nakatira lamang sa malapit sa composting at recycling centers ang mga manggagawa rito na nag-oobserba sa social distancing.

Sa loob ng isang buwan, nakagagawa ng 70 tons ng fertilizer ang composting centers na ipinatayo ni Villar at ibinibigay ito ng libre sa mga magsasaka sa mga karatig probinsiya.

In Metro Manila, there are also urban gardeners and vegetable farmers who benefit from this free farm input,” diin pa ni Villar.

Tiniyak pa ng senadora kanyang ipagpapatuloy ang pagtratrabaho kasama ang national at local government pati ang komunidad para isulong ang urban gardening at makamit ng pamilyang Pilipino ang pang-araw-araw nilang nutrisyon lalo na ngayong may COVID-19 health crisis.

Kung magpapatuloy ang mga ganitong suporta at marami sa atin ang matututo at mahihilig sa urban gardening, hindi lamang hangin ang lilinis sa ating paligid kundi kahit paano ay may maasahan na tayong makakain sa panahon ng taghirap.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large