So clean, so good!

SA mga panahong ganito, marapat nating papurihan ang lahat ng grupo, asosasyon, kompanya at mga indibiduwal na walang sawang nagbibigay ng tulong sa abot ng kanilang makakaya.

Bagaman alam  ang panganib na idudulot ng nakamamatay at mapaminsalang COVID19, hindi sila nagdadalawang isip na magbigay tulong at serbisyo sa ating mga kababayan.

Unang-una na dapat pasalamatan ay ating mga frontliners tulad ng doktor, nurses, iba’t ibang health workers, hospital staffs, mga volunteers, iba’t ibang government agencies na ‘essential’ sa ganitong uri ng sitwasyon, ang national government, local government units, mga pulis, militar, barangay officials at barangay tanods; security guards, mga technical support people, mga grab delivery drivers, pharmacists, cashier at empleyado ng groceries, guwardiya at marami pang iba!

Kahanga-hanga ang ipinakikita nilang dedikasyon sa trabaho, kalakip ang paniniwalang sa kaunti nilang ambag ay marami silang natutulungan nating mga kababayan.

Diyos na po ang bahalang magbigay biyaya sa kadakilaan ng inyong ginagawa.

Alam nating lahat na mahirap magtrabaho sa ganitong uri ng kalagayan, lalo’t iniiwan natin ang ating pamilya at mga mahal sa buhay na posibleng mahawahan sakaling umuwi sa kani-kanilang tahanan.

Sa puntong ito, ipahintulot n’yong isa tayo sa sumasaludo at nagbibigay-pugay sa inyong kadakilaan at kabayanihan!

Mabuhay ang ating mga frontliners saan mang sulok ng mundo!

***

Gusto ko na ring samantalahin sa artikulong ito na pasalamatan ang ilang establisimento na hindi nagdamot na ipagamit ang kanilang pasilidad upang tuluyan ng ating mga ‘health workers.’

Isa na rito ang Hotel Sogo!

Isang araw matapos ipatupad ang ‘community quarantine’ (hindi pa enchanced noon), hindi nag-atubili ang management ng Hotel Sogo na makipag-ugnayan kay Manila Mayor Isko Moreno para magamit agad na tulugan at pansamantalang tutuluyan ng mga hospital workers ang kani-kanilang mga hotel sa lungsod – kabilang na ang Euro Hotel.

Sa isang kalatas na ipinadala sa atin ng kanilang masipag na staff na Eugene Santos, nalaman natin na hindi lang pala sa Maynila puwedeng tumuloy ang mga bayani nating frontline workers.

Puwede na rin palang tumuloy ang mga hospital staff sa mga hotel nila sa Quezon City, Caloocan at Bacoor, Cavite.

Saludo tayo sa pamunuan ng Hotel Sogo, lalo na ang  may-aring si Mr. Gus Corpus na noon pa man ay kilala na sa pagiging pilantropo!

Narito po ang kanilang press statement:

Hotel Sogo has offered free room accommodations to frontline healthcare workers fighting the spread of COVID-19. In close coordination with different Local Mayors and hospitals, Hotel Sogo has undertaken this bold move under its Corporate Social Responsibility (CSR) Program - Sogo Cares.

As of writing, about 770 rooms have been allocated in coordination with Mayors Isko Moreno of Manila, Joy Belmonte of Quezon City, Oscar Malapitan of Caloocan and Lani Mercado of Bacoor, Cavite. The doctors, nurses and other healthcare workers from various hospitals such as Philippine General Hospital, Ospital Ng Maynila, and Diosdado Medical Hospital would not need to go home and have a nearby location to stay and rest.

“This is to show support and gratitude to the frontliners who have been risking their lives and working tirelessly to help our countrymen in this time of need. We hope that in our small way, we can contribute our resources to help and support our brave health workers in fighting to defeat this dreaded disease.” Mr. Gus Corpus, CEO of Hotel Sogo said.

“To all healthcare workers, our real heroes - Your noble deeds are appreciated. Hotel Sogo is thankful for your unwavering service to our country, thus, we have opened our doors for you to have a safe, So Clean, So Good accommodation,” Mr. Corpus added.

Hotel Sogo remains vigilant in observing safe practices to mitigate the spread of COVID-19. Hotel Sogo will continue to uphold its mission to make a safe place, truly  “So Clean…So Good”.