Sogie: Monster bill

August 26, 2019

ANG pagiging bakla, tomboy, lalaki o babae ay hindi isang self entitlement. Hindi katulad ng PWD o persons with disabilties ang pagiging bakla, ang pagiging tomboy o kahit pa babae at lalaki.

Kailangang malinaw na hindi super class ang sino man sa atin kaya nga sa lahat ng Saligang Batas, naroon ang equal protection clause. Ibig sabihin, hindi porke bakla ka, tomboy ka, lalaki ka o babae ka ay espesyal ka na may leche flan at ice cream sa ulo!

Ito ang problema sa ibang bakla, ang akala nila, hindi lang pinaihi sa banyo ng babae ay diskriminasyon na, ang akala nila, inapi na sila, ang akala nila, kinutya na ang kanilang pagiging bakla.

At itong Sogie bill (sexual orientation and gender identity and expression equality) ay isang uri ng class legislation na nakatuon sa mga ikatlong kasarian na pagkagising isang umaga ay iba ang kanilang ari.

Ipinipilit ni Senador Risa ang Sogie bill niya sa Senado na para namang minasaker ang mga bading at tomboy!

Kung minsan, iisipin mo na ang talagang kulang sa ating bansa ay Common Sense Law. Mukhang ito ang kailangan nating isabatas dahil maraming tao ang walang sintido kumon.

Isipin mo, nawalan pa ng trabaho ang janitress ng Farmers plaza dahil tumupad lang siya sa kanyang tungkulin na huwag papasukin ang lalaki sa banyong exclusive lamang para sa mga babae. Hindi ba’t walang common sense ang sino mang nagdesisyon na tanggalin sa trabaho ang janitress?

Ngayon naman, mambabatas na ang nawalan ng common sense para isulong ang isang class legislation na tulad ng Sogie bill na kapag tiningnan mo sa malalim na kaisipan, puwede na nga naman magpakasal ang parehong kasarian.

At siyempre ang susunod dyan, walang pakialam ang lipunan kahit mag-sex pa sa public toilet o kahit saan ang same gender dahil karapatan nila yan under Sogie bill.

Ang wordings na “expression equality” ang bomba sa panukalang ito na kapag naisabatas, kahit sa ibabaw ng flyover ay puwedeng magpakasal at mag-honeymoon ang sino man. Sino makakapigil sa expression equality na isang open sea para sa pagkasalaula ng bayan?

Kung gusto nyo pala ng class legislation, dapat gumawa rin si Hontiveros ng batas para sa punggok o unano dahil mahirap din para sa kanila na umihi sa mataas na urinals, maghugas ng kamay sa mga lababo at hindi rin agad maabot ang door knob. Hindi ba’t diskriminasyon yan Madame Risa?

Kaya umaalagwa sa kayabangan ang mga bading na hindi pinaihi sa banyo ng babae ay dahil sa mga katulad ni Hontiveros. Isipin nyo, hindi lang pinaihi, gusto nang kumandidato! Ano ba namang klaseng lipunan ito?

Nakakatakot ang Sogie bill na ito dahil isa  itong monster na nakatago sa ekwalidad. Napakaramng mas mabuting bagay para sa bayan ang hindi pinagtutuunan ng pansin ni Hontiveros tulad ng mga plano ng gobyerno na outer space exploration sa pamamagitan ng Filipino astronaut, ang patuloy na pagbaba ng inflation rate at agresibong infrastructures ng gobyerno.

Maging ang hinihinging emergency power ng Pangulong Duterte para matutukan ang problema sa traffic sa Edsa ay hindi nyo inaasikaso gayong ito ang kailangan ng bayan.

Mas gusto nyo talaga  Madame Risa ay ang isyu  pagpapalit ng ari at kung saan sila dapat umihi!
Kaawa-awang bayan!

allanpunglo@gmail.com