Home>Editorial>Opinion>Solid waste on wheels sa Trece Martires, Cavite!

Solid waste on wheels sa Trece Martires, Cavite!

MALIIT na lungsod lamang ang Trece Martires, Cavite.

Katunayan, 4th class city lamang sila na may kabuuang populasyon na 155,713 base na rin sa census noong taong 2015 at may 13 barangay!

Pero kahit ganun, ang ‘mission-vision’ ng kanilang alkalde na si Mayor Gemma Buendia Lubigan ay sobrang lawak at talaga namang kahanga-hanga!

Sa regular flag-raising ceremony kahapon, iniharap ni mayora ang dalawang solid waste on wheels na gagamitin ng lungsod sa pagkolekta at pagproseso ng kanilang basura.

Ang solid waste on wheels ay bahagi ng P29 million project na magtatayo ng ‘treatment facilities’ para sa halip na itapon pa sa binabayarang dumpsite sa Sta. Cruz, Laguna, ito’y kanilang gagamutin, sasalain na maaaring maging ‘fertilizer’ at magamit sa paggawa ng bricks at hollow blocks.

Kauna-unahan ito, hindi lamang sa buong Cavite province kundi sa buong Region 4a o CALABARZON (Cavtie, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon).

Iyan po ang tinatawag natin na solid waste on wheels. Iyan po ay part ng project natin para sa binubuo natin na recycling facility sa ating old dumpsite. Malaki po ang ginagastos natin sa basura. Araw-araw po ay gumagastos tayo ng P300K and according to study every individual can produce half a kilo of garbage a day,” ani mayora sa harap ng City Hall employees.

Kung susumahin, tumataginting na P9.3 million a month o P111.6 million sa loob ng isang taon ang gastusin ng pamahalaang lokal para lamang sa koleksiyon ng basura.

Katiting na halaga ito mula sa P29 million na pondo naman para sa solid waste on wheels at treatment facilities.

Ang nasabing solid waste on wheels ay imbensiyon ni Jun Gumabon ng JFGR Trading at proyekto rin ng aktor na si Mike Lloren.

Isa itong brand new na Isuzu 6-wheeler elf truck na may rapid composting machine at liquid separator. Mayroon itong pulvorizer at bottle crusher machine. May ‘inoculant at water tank; pressurize washer; by product compartments at may generator set na 45KVA na isang silent type.

Kagila-gilalas ang nasabing imbensiyon dahil napagkasya sa isang truck ang makinang kayang magpulbos ng mga basurang non-biodegradable at kaya ring lumusaw sa mga biodegradable na basura na magagamit bilang fertilizer.

>

Iyon pala, magkakaroon tayo ng compost at in 25 mins, meron na tayong fertilizer. Ibig sabihin matutulungan natin ang local farmers. Nasa P150 lang per kg ang napoproduce kumpara po sa P500. According sa study, mas makaka-produce sila ng double, so malaki pong tulong sa ating farmers at yan ay ating magiging livelihood program makakapagbenta rin tayo outside may LGU din na naghahanap ng fertilizer,” dagdag pa ni Lubigan.

>

Sa panayam, sinabi ng mayora na malaking tulong para sa kanilang lungsod ang makabagong teknolohiya. Makatitipid na sa gastos sa paghakot sa basura, mapapakinabangan pa nila ang mga ito na magbibigay din ng hanapbuhay sa kanyang mga kababayan.

>

Ang city government po ay ‘di tumitigil sa pag-iisip ng programa. Sabi ko nga, pag may problema ‘di pwedeng titigil ka lang sa problema. Walang solusyon yung ilalabas mo lang ibabayad mo, pero ano bang solution para dyan, yun ang nakikita namin, di lang pansarili ang iisipin natin, lagi iisipin natin para po sa kapakinabangan ng nakararami so ang hinihiling ko lang po sa Treceno kung may policy kami na gustong ipatupad suportahan nyo po. Una mahirap kasi pinakamahirap dyan yung pagma-mind shift sa kanila, ano ba nakaugalian pero in the long run pag nagiging pursigido tayo at istrikto susunod ang mga yan. So kami dito di namin susukuan ang proyektong gusto naming ipatupad tutukan po talaga naming,” sabi pa ng magandang mayora.

Open secret na sa ating lahat na isa sa pinagkakakitaan ng ilang LGU officials ay ang komisyon o ‘tongpats’ sa basura. At dahil sa ginawang ito ni Lubigan, patunay lamang na malinis ang kanyang panunungkulan.

Ayon kay Atty. Kim Moral, City Legal Officer, sa ngayon ay dalawang solid waste on wheels pa lang ang kanilang binili pero naniniwala siyang kalaunan ay madaragdagan pa ito dahil sa napakagandang proyekto.

If the demand will be high for each barangay namin na magrequest na meron din sila, then we can acquire more kasi 13 barangays ang Trece eh. But these barangays are composed of big areas. So right now two, but I know kung ganito ang processing natin at ganito ang turnaround baka sakali maka-acquire pa kami ng additional two,” sabi pa ni Moral.

Para kay Architect Ronnie Javier, hepe ng Trece-CENRO, malaking tulong din ang nasabing proyekto para sa mga magsasaka ng pinya.

Ang problema kasi namin dati farm waste. May parte kasi kami dito agri pa, tulad ng mga pinya, ang problema namin paano ididispose ang puno ng pinya. Ang ginagawa nila sinisilaban sabi ko gagawa tayo paraan, gagawin compost, eksakto naman meron palang ganito, so sabi ko ito na ang sagot,” sabi pa ni Javier.

Malaking tulong din aniya ito upang higit pang maging malinis ang kapaligiran sa lungsod, gayundin mananatiling ligtas at malusog ang kanilang kababayan.

Ang nakatutuwa, mahigit din ang utos ni Mayora Lubigan na ang sinumang kabahayan na hindi nagse-segregate ng basura ay hahakutan ng basura.

Hindi (talaga) sila hahakutan ng basura kasi mag-20 years na ang RA 9003 at ‘di naiimplement, so siguro kailangan ng willpower ng namumuno,” dagdag pa ng first termer mayor na dati ring naging SK chairwoman!

Sa ipinakitang dedikasyon sa trabaho at malasakit sa kanyang kababayan, isa lang po ang masasabi ko.

Kung ang Maynila ay may Mayor Isko Moreno at sa Pasig ay may Vico Sotto, sa Trece Martirez, Cavite ay may Mayor Gemma Lubigan na dapat lang ipagmalaki ng kanyang mga kababayan.

Naniniwala tayong dahil sa ginawa ng Trece ngayon na solid waste on wheels, marami pang katabing bayan at lungsod sa Cavite ang gagaya sa kanyang napakagandang proyekto!

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large