Home>Editorial>Opinion>Speakership term sharing:  Alan vs Allan

Speakership term sharing:  Alan vs Allan

HABANG papalapit ang Oktubre, may mga gumagalaw na para sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Nang magbukas ang 18th Congress, si Taguig City Congressman Alan Peter Cayetano ang nahalal ng majority bilang Speaker of the House.

Pero gusto rin ni Marinduque Congressman Lord Allan Velasco na maging Speaker. Para hindi na lang gumulo, lumutang ang term sharing sa pagitan ni Speaker Alan Peter at Congressman Allan.
15 months kay Speaker Alan at 21 months naman kay Congressman Alan.

Noong magkaroon ng kasunduan para sa term sharing, wala pang COVID-19, wala pang economic crisis, wala pa ang mga isyu ng lockdown at community quarantine.

Sabi nga, iba ang peace time, iba rin ang war time. Ang pandemic ay nagsimula March 15 at doon na rin umiral iba’t ibang level ng quarantine. Tumigil ang galaw ng ekonomiya, pinagbawalang lumabas ang mga mamamayan, tigil ang lahat ng industriya, walang transportasyon, walang turista, wala lahat ang negosyo, maliit man o malaki. Lahat walang kita, lahat walang trabaho.

Sa madaling salita, nalusaw ang lahat ng sigla ng ekonomiya na naipundar ng Duterte administration sa nakaraang tatlo’t kalahating taon. Iyong economic growth na 6.5 hanggang 6.8, bumagsak sa dalawang magkasunod na quarter sa numerong 2%.

Ibig sabihin, habang nasa giyera tayong lahat laban sa kagutuman at virus, iyong kongreso na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano ang sumasapo ng lahat ng bala mula sa kalabang hindi nakikita.

Habang subsob ang bansa, nakatayo pa rin ang Kongreso para aprubahan sa gitna ng digmaan ang Bayanihan 1 & 2 na sumalba sa milyun-milyon nating kababayan na walang makain sa gitna ng pandemya.

Sa pamamagitan ng Bayanihan 1 & 2 na pinagtibay ng Kongreso ay nakapagpalabas ng bilyun-bilyong pisong pondo ang gobyerno para mabigyan ng Social Ameloriaion ang ating mga kababayang nawalan ng kita dahil sa pandemya.

Ngayong patuloy pa rin tayong lumalaban sa kaaway ng mundo, hindi ko naman alam kung bakit may nakaisip pa ring pag-usapan ang term sharing. Naisip ko tuloy, nasa gitna ng perfect storm ang Pilipinas sakay ng isang barko na sinasalubong ng malakas na hangin at higanteng alon, may mga tao pa ring nagtutulak kay Congressman Velasco na agawin ang timon kay Speaker Cayetano!

Ganoon pala tayo mag-isip, ganoon pala tayo mapagmahal sa ating mga interest kahit halos lulubog na ang barko dahll sa kalamidad. Hindi ko alam kung may tamang panahon pa ba para palitan si Speaker Cayetano na nagawang itimon ang barko sa maalong karagatan.

Ako ang nahihiya kay Congressman Velasco kung may mga tao pa rin na gusto pa rin siyang gawing Speaker sa gitna ng walang katiyakang sitwasyon.

Hindi natin tatawaran ang ang kakayahan ni Congressman Velasco na maging Speaker kung yan ang gusto niya. Pero imagine, kung sa pagpapalit ng timon ay humampas ang malakas na alon, paano maisasalba ang barko kung magsisimula pa lang aralin ang ruta or babasahin pa lang ang mapa ng katubigan para sa tamang radar?

Hindi ko alam kung kakagatin pa rin ni Congressman Velasco ang maging Speaker na maglalagay sa panganib sa kanyang political career kapag biglang lumubog ang barko na kung tawagin ay Kongreso.

Ang sabi nga, iyong pinaka-unselfish act na gagawin ng tao ay magparaya at  allanpunglo@gmail. com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV