Home>Editorial>Opinion>Super contractor ng Caloocan

Super contractor ng Caloocan

NGAYON lang ako nakakita ng kompanya na kayang imonopolyo ang supply ng local government magmula paper clip hanggang eroplano.

Ayon sa ating source, si super contractor ang nakakakuha ng lahat ng kontrata sa city government dahil sa kanyang koneksiyon kung kani-kanino at sa isang religious group.

Si super contractor ay dati nang naghaharing-uri sa Maynila dahil kanya rin ang lahat ng supply sa lungsod noong panahon ng alkalde na kanya palang kamag-anak.

Ang mabigat kay super contractor, sa kagustuhang makopo ang lahat ng kontrata sa Caloocan, pati pagtatayo ng building ay pinanghimasukan.

Mula sa pagiging supplier ng mga office equipment, supplies, government vehicles, gamot, nabigyan ito ng P500 million project para magpatayo ng commercial building.

Ang problema, mukhang paper clips at mga bala ng stapler ang ginamit sa mga pundasyon kaya may mga nakikita nang crack sa gusali. Ibig sabihin, hindi naman kasi forte ni super contractor ang structural projects, biglang nabigyan ng ganitong proyekto.

Kailangan sigurong tingnan ng DPWH at ng national government ang structural integrity nito dahil nasa peligro ang mga taga-Caloocan kung biglang gumuho ang gusali na ginagamit ngayon bilang commercial building.

Ayon sa ating source, nanghiram lang ng lisensiya si super contractor sa isang contstruction company kaya siya ang nakakuha ng kontrata sa pamamagitan ng “sweetheart deal” o catered bidding.

Naghahagilap tayo ng iba pang detalye sa mga proyektong nakuha ni super contractor dahil ang balita natin, sangkatutak na kompanya ang ginagamit nito pero siya rin ang may-ari.

Wala pa tayong nakitang nakulong na kontraktor, kapag nagkataon, si super contractor pa lang ang magiging mayor de mayores dahil siya ang kauna-unahang maihahagis sa selda.

allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV