Home>Editorial>Opinion>Tama na ang ‘trivial president’

Tama na ang ‘trivial president’

DAMING pumoporma na gustong maging presidente sa 2022.

Ang mabigat, iyong iba, sagad lang sa porma pero wala namang sustansiya. Tapos na iyong mga panahong bumoboto ang mga Pilipino ng “trivial president“, meaning, sikat lang pero wala namang ibubuga.

Malaking bagay ang pagkapanalo ni Mayor Rody Duterte noong 2016. Palagi kong sinasabi na itinataas ni Digong ang ante o ang kalidad ng isang presidente. Natapos na ang mga dekadang puro kaartehan lang ang mga nauupo dahil puro lip service lang pero wala namang nagawa para sa bayan.

Ako, hindi ko pinagsisisihang nag-Duterte na ako mula’t mula pa. Maraming mga tao ng 2016 presidentiables ang lumapit sa atin para magpatulong pero lahat sila tinanggihan ko. Alam na alam ko kasi na trivial president lang sila pero wala sa puso nilang ayusin ang bansa.

Kahit ano pang pintas ng iba kay Digong, naniniwala akong siya pa rin ang nagpabago ng buhay natin sa aspeto ng paglaban sa mga kriminal at pagpapalawak ng ating mga infrastructuresprojects. Huwag nating kalilimutan na iyong mga Skyway, MRT, airports at marami pang kalsada ay nagawa lang lahat sa panahon ni Duterte. Ramdam na ramdam mo ang gobyerno.

Totoo namang mula pa sa mga nakaraang presidente ay naka-blueprint na or naka-drawing na ang mga projects na yan pero ang tanong, ginawa ba nila? Literal na puro sila drawing dahil ang dami nilang pakulo sa katawan. Natapos ang lahat ng kanilang termino pero wala silang nagawa!

Ang pintas ng iba, hindi diplomat at hindi statesman si Duterte. Isaksak nyo sa baga nyo ang mga sinasabi nyong diplomat na mahinahon at mga statesman na magaling magsalita. Puro basyo naman ang mga yan pagdating sa accomplishments.

Kaya nga iyong mga pumoporma na gustong maging presidente pero nagkakaila pa kuno, neknek nyo! Iyong isa nga nagkakaila pa na sagad sa kaartehan, panay naman ang pa-survey at panay ang tanggap ng donasyon mula sa mga tycoon.

Naku po, kapag trivial president ang naupo,dyan na kayo makakakita ng totoong halimaw na nagkatawang-tao. Sagad sagad sa buto ang pagiging korap ng taong ito kaya kapag pinalad na maging presidente, ubos tayo lahat dyan!

Dalubhasa sa pagiging tulisan ito kaya hinihintay din siya ng intelligence community na magdeklara para mailabas ang kalansay ng pagsusugal niya, pagkagumon sa cocaine at sex maniac.

Sagipin natin ang bayan laban sa taong ito. Kunsabagay, hawak na rin pala ng palasyo ng Malacanang ang lahat ng detalye tungkol sa taong ito na gigil nang maging presidente.

Tingnan natin kung paano siya matatalupan nang buhay kapag nagdeklara na siya para sa 2022. allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV