Home>Editorial>Opinion>Tigilan ang bangayan!

Tigilan ang bangayan!

DALAWA pang collection districts ang nagsagawa ng webinar on Customs policies and reforms.

Ito ang Manila International Container Port (MICP) at Port of Cebu (PoC).

Ang webinar sa MICP na pinamumunuan ni District Collector Romeo Allan Rosales ay isinagawa noong Nobyembre 16.

Ang online activity ay napanood nationwide sa pamamagitan ng Facebook page ng MICP.

Ayon sa report, mga 4,000 stakeholder ang tumutok sa MICP webinar. Nagsilbing resource persons ang mga opisyal ng MICP, isa sa mga major collection district ng BoC.

Binuksan ni Lawyer Rey Roland Bergado, hepe ng Formal Entry Division (FED), ang webinar.

Tinalakay naman ni Examiner Miguel Ting ng Informal Entry Division (IED) ang accreditation ng tinatawag na small importers.

Pinasalamatan ni Rosales ang mga resource speaker “for sharing their time and effort” para maging matagumpay ang webinar.

Isinagawa naman ng Port of Cebu ang kanilang webinar noong November 18.

Tinalakay sa webinar ang implementasyon ng Electronic Tracking of Containerized Cargo System, Clearance Procedures of Express Shipments at Customer Care Center (CCC) operations.

Isa sa mga resource person ay si Deputy District Collector for Operations Marc Anthony Patriarca.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Acting District Collector Charlito Martin Mendoza na ang PoC ay commited “to make compliances easy for stakeholders.

Tama ‘yan!

Hindi ba, Commissioner Rey Leonardo Guerrero?

 

***

Binuksan noong Miyerkules, November 18, ang Customer Care Center (CCC) sa Port of Cagayan de Oro.

Ang pagbubukas ng CCC ay sumabay sa 70th founding anniversary celebration ng Port of CDO.

Naging guest of honor si Rep. Frederick Siao ng lone district ng Iligan City, samantalang si Father Jonas Awayan ang nanguna sa blessing ng CCC.

Sinabi ni District Collector John Simon na ang pagtatayo ng mga CCC ay isa sa priority programs ng BoC.

Nagsisilbing one-stop shop ang CCC para mapabilis ang trabaho sa mga pantalan.

Layon ng CCC na i-promote ang zero contact policy ni BoC Chief Rey Leonardo Guerrero.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na ang face-to-face transaction ay nauuwi sa korapsyon.

Ta a ba, Pangulong Rody Duterte at Sen. Bong Go?

***

Sa isang linggo ay Disyembre na.

Malapit ng matapos ang 2020.

Kung maaari nga lang ay mag-Enero na para matapos na ang mga pahirap na naranasan ng marami sa papatapos na taon.

Nandiyan ang mga lindol, landslide, sunog, bagyo, baha, sakit ng mga baboy at manok, COVID-19 pandemic at iba pang problema

Sa kabila ng lahat ng mga problema natin, marami ang naniniwala na babangon tayo sa 2021.

Ang kailangan lang ay tigilan na natin ang bangayan at pagkawatak-watak.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

Publication Source :    People's Tonight