‘Transparency,’ hindi ‘Secrecy’ ang kailangan

November 26, 2018

“IBINALIK” kahapon, araw ng Lunes, ang ‘live broadcast’ ng ‘flag-raising ceremony’ ng Bureau of Customs (BoC), matapos itong ‘mag-off line’ sa ikatlong linggo ni Comm. Rey Leonardo ‘Jagger’ Guerrero sa puwesto.

Kung matandaan, dear readers, pinalitan ni Comm. Jagger, dating AFP chief at MARINA administrator, si Comm. Sid Lapeña, na ngayon naman ay TESDA director general, noong Oktubre 31.

“Nawala sa ere” ang flag-raising ceremony ng BoC noong nakaraang Lunes, Nobyembre 19, dahil ito raw umano ang “gusto” ni Comm. Jagger.

Dangan kasi, sa flag-raising naman noong Nobyembre 12, ‘global audience’ ang nakasaksi kung paano “harbatin” ni Comm. Jagger ang mga kawani at empleyado ng Aduana dahil pa rin sa isyu ng katiwalian -- na dapat lang niyang gawin, sa ganang atin, dear readers. Yun nga lang, kasamang Dexter Gatoc, kaya siguro “pumayag” si Comm. Jagger na ibalik ang ‘FB live broadcast’ eh dahil, hindi naman siya nagsalita, ganun kaya ‘yun, hehehe!

Sa napanood natin, tila “ipinasa” ni Comm. Jagger kay AOCG depcomm, Edward James Dy Buco, ang “pakikiusap” sa kanyang kapwa opisyal at mga kawani na “umiwas” na sa mg gawaing sablay at tiwali, bagay na nakita nating sinasabi niya, ‘with matching emotion and sincerity’ wika nga -- katulad nang pangunahan niya ang mga ito sa pagsigaw ng “Mabuhay!” kay Comm. Sid, bago ito tuluyang bumaba sa puwesto.

Ang ‘bottom line’ dear readers, “walang magandang istorya” kahapon ang media patungkol sa BoC, hehehe, ayy, huhuhu!

* * *

Napag-usapan na rin lang ang media, marami na sa ating mga kasamahan, Pareng Vic Reyes, ang “nagsisimulang mapikon” sa “nararamdaman” nilang tila “unti-unting panggigipit” sa kanilang hanay na gusto yatang ipatupad ni Comm. Jagger d’yan sa Aduana?

Sa terminong militar, ‘strategy of constriction’ yata ang tawag dito kung saan “unti-unting nililimitahan” (gradual constriction) ang “galaw” ng “kalaban.”

Kung ganito nga, may “problema,” hindi ba, PTFoMS task force director, Joel Sy Egco? Dangan kasi, hindi naman “kalaban” o “kaaway” ang media!

Bago ang pagsisimula ng ‘MOA signing’ ng BoC, AFP at PCG noong isang linggo, ilang kasamahan ang “nagreklamo” sa atin na “hinihigpitan” at “binabantayan” ng mga Customs Police ang kanilang mga kilos at galaw, ahahay!

Ang “pikon-inis” tuloy na komento ng iba nating “kapatid” sa hanapbuhay, “mabuti sana” kung hindi notoryus sa katiwalian at eskandalo ang Aduana, oo nga naman, hihihi!

Sa ganang atin naman, gusto nating maniwala na “nasulsulan” lang si Comm. Jagger ng mga tulisan, agh, “nagmamalinis” na mga opisyales ng Aduana na isa sa kanyang mga dapat na “prayoridad” ay ang “paghihigpit” sa media, toinks!

* * *

‘Bilang “payong kaibigan” natin kay Comm. Jagger, mainam sigurong “balikan” niya na ang kawalan ng ‘transparency’ ng Aduana, partikular sa termino ng mga ‘Magdalo Boys’ ni Comm. Nick Faeldon, ay malaking dahilan kung bakit sa dakong huli ay “nalubog” ito sa eskandalo at higit na naging “masahol” dito ang katiwalian.

Oops! Hindi po sarili nating opinyon, dear readers, ang nabistong lawak at lalim ng katiwalian sa termino ng mga Magdalo. Ang lahat po ng ito -- milyones na “pasalubong” gamit ang ‘kickback’ sa tax credit, “pambababoy” sa ‘BoC Selectivity System’ at mga regular na “tara” -- ay ilan lang sa mga “kinumpirma” ng mga nangyaring imbestigasyon ng Kongreso at Senado nang “malusutan” ang mga Magdalo ng mga shabu (na ang ‘last batch’ ay “natunton” sa isang warehouse sa Valenzuela City noong Mayo 2017).

Sa ngayon, may nabasa tayong ‘memorandum’ galing kay XIP chief, Czae de Guzman, na “nagbabawal” na sa “madlang pipol” ng ‘face-to-face transaction’ o ‘follow-up sa mga operatiba ng XIP, batay umano sa direktiba ni Comm. Jagger.

Eh, teka, Comm. Jagger, alam mo ba na ganitong “panis na estilo” rin ang unang ipinatupad ni Comm. Nick, na “bawal” din ang ‘personal follow up’ sa OCCOM at higit sa lahat, sa kanyang ‘ComCen’ (Command Center)?

Eh, ano ba ang naging resulta, hindi ba, mga kabayan?

Yun, nang mag-imbestiga ang Senado at si Sen. Ping Lacson, nagkabistuhan na “walang ibig sabihin” itong pagbabawal na ito na nauwi sa ‘secrecy’ sa mga ginagawa ng mga operatiba at opisyales ng Aduana, huhuhu!

Kumbaga, “pumabor” sa mga korap ang naging paghihigpit ng BoC, sa publiko at sa media.

Batid ni Comm. Sid, nang palitan niya si Comm. Nick noong Agosto 2017, na ang kawalan ng ‘transparency’ sa mga transakyon at operasyon ng Aduana ay walang mabuting idudulot sa pagsisikap na muling “ibangon” ang nawasak nitong kredibilidad.

Kaya nga, bagaman sa dakong huli ay naging “biktima” pa rin siya ng bulok at bangkaroteng “kalakaran” sa Aduana, magandang “panimula” ang kanyang ‘policy of transparency’ dahil nakatulong ito ng malaki, sa kanyang mga unang buwan sa puwesto, upang mabalik ang “tiwala” dito ng publiko at ang ‘morale’ ng mga matitinong kawani nito.

Ang “pruweba” nito, siyempre, ay ang ‘record-breaking and historic-making revenue collections’ ng BoC, sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Translation? Sa isang ahensiyang katulad ng BoC na palaging problema ang ‘bad image,’ ‘transparency’ at hindi ‘secrecy’ (na tila gustong mangyari ng mga korap sa pantalan), is always the best policy, hindi ba, mga kabayan?

Kung “mamarapatin” pa ni Comm. Jagger, ang “payo” natin sa kanya ay huwag nang basta maniwala at pumabor sa mga panukalang “ibinibigay” sa kanya ng mga “antigo” d’yan sa pantalan. “Pinapaikot” ka lang ng mga yan, peksman, hahaha!

Sa opinyon pa ng ibang miron, “magkakaalaman” kung “seryoso” si Comm. Jagger na “linisin” ang Aduana dito sa ‘Davao Group.’

Kung kaya niyang “pasunurin” ang grupong ito, aba, lahat ng ‘players’ kaya niyang “disiplinahin.” Kung hindi naman daw, eh, di…wow, haha!

Abangan na lang natin!