Usapin para sa ‘Bayang Karerista’

August 22, 2019

KAHAPON ay “napasyal” tayo sa tanggapan ng Philippine Racing Commission (Philracom) para ayusin ang ika-7 edisyon ng ‘NPC-PHILRACOM Benefit Race (yes dear readers, anim na taon na pala ang matagumpay na proyektong ito).

At muli, nagpapasalamat tayo sa pamunuan ng Philracom, sa pangunguna ni Chairman Andrew Sanchez at siyempre, si executive director, Andrew Buencamino.

Katulad kasi sa mga nagdaang taon, ay hindi sila “nagdadalawang isip” na suportahan ang proyektong ito na naglalayong makalikom ng pondo para sa mga “iskolar” ng NPC (mga anak ng media na binibigyan ng ‘subsidy’ ang kanilang edukasyon) at sa patuloy nating pagsasaayos ng gusali at kapaligiran ng NPC na naitayo noong pang 1955 o 64 taon na ang nakaraan.

Itinakda ang ating pakarera, mga “kapatid,” sa darating na Oktubre 19 (Sabado) at muli, nananawagan ang NPC sa ‘Bayang Karerista’— partikular na sa mga ‘horse owners at ‘bettors’ na suportahan ang pakarerang ito. Muli po tayong magsama-sama at magkita-kita sa nasabing araw, tama ba, Pareng Vic Reyes at mga “klasmeyts” sa ‘Wanabet OTB?’

Abangan!

***

Kahapon din ay nagulat tayo dahil ‘very busy’ ang ‘atmosphere’ sa tanggapan ng Philracom. Translation? ‘Sandamakmak ang mga tao at bisita, hehehe!

Isa pala sa mahalagang isyu na tinalakay kahapon ay ang imbestigasyon sa insidente noong nakaraang Agosto 8, sa “pista” ng Sta. Ana (Naic, Cavite) kung saan “garapal” ang ginawang “pagbiyahe” (‘deliberately losing the race,’ ayon na rin sa ‘Board of Steward’) nitong ‘apprentice jockey’ na si Fermin Farlocha kay ‘Raxa Bago’ sa ‘Race 2.’

Sa “FB” ay nabasa na natin ang paunang desisyon ng Philracom, ang ating ‘horse racing industry regulator,’ na bigyan ng higit isang taon na suspensyon (312 racing days) itong si Farlocha.

Kinabukasan ay nabasa rin natin ang ‘public apology’ nitong si Nalutsa, ehek, Farlocha, kung saan sinabi pa rin niyang “nakahanda” niyang tanggapin ang ano mang parusa sa kanya.

Aber, “balak” mo pa bang “pumalag,” bosing, hehehe!

Bagaman nga may “tip” na sa atin kung ano naman ang parusang isasampal, err, igagawad, dito kay horse trainer, Donnie Sordan, eh, “ibibitin” na muna natin habang hindi pa niya pormal na natatanggap ang desisyon ng Philracom.

Isang “bukas na lihim” (open secret) sa Bayang Karerista na hindi “magbibiyahe” ang isang hinete kung “walang utos” galing sa kanyang trainer— o sa mismong may-ari ng kabayo.

Kantyaw pa tuloy ng mga miron, “gusto” rin lang pala (daw) na “ipatalo” nitong si Sordan si Raxa Bago, sana sa ‘star jockey/Class A jockey’ na lang “ipinasakay” para “suwabe” at hindi garapal ang pagkaperder, hehehe!

O kaya naman (daw), sana “nahulog” na lang kay Raxa Bago itong si Panutsa, asus, Farlocha dahil ‘safe’ naman ang “pista” sa Sta. Ana, hahaha!

O puwede rin (daw) na hindi na niya pinalabas sa ‘starting gate’ si Raxa Bago— at least, ‘vicious race’ lang ang “parusa” hihihi!

Ayon pa sa pagbusisi ng Philracom, not once, but twice na umanong “nagperder” itong si Farlocha! ‘Yun nga lang, “nakalusot” sa BOS ang kanyang unang ginawang “pandaraya” kaya siguro, “inakala” na “makakalusot” na naman siya, hehehe, ayy, huhuhu!

Kasama rin sa ipinatawag ng Philracom si Ms. Marissa Sordan, na ‘registered owner’ nitong si Raxa Bago. Kung kasama rin siya sa “mamalasin,” eh, abangan ang susunod na kabanata kaya…

Abangan!

At harinawang maging “aral” ang insidenteng ito sa lahat nang nagmamahal sa industriya ng karera. Ang ganitong “pambababoy” sa industriya ay hindi nakakatulong na maitaas ang kredibilidad ng tinatawag pa naman na ‘Sports of Kings.’

Tandaan natin na ang mga ganitong insidente ng pandaraya na sumisira sa kredibilidad ng ‘horse racing’ ay isa sa mga dahilan kung bakit patuloy na bumabagsak ang “benta” (gross sales) nito.

***

At  nabanggit na rin lang si Chairman Andrew Sanchez, Bayang...

...Karerista, walang katotohanan na “sinipa/inalis” na siya sa puwesto.

Bagaman, totoo rin pala na “nagagalit” sa kanya ang mga maimpluwensiyang ‘horse owners’ dahil ayaw niyang pagbigyan ang “iligal” na hirit ng mga ito sa Philracom.

“Ano” bang isyu ito, tanong ba ninyo, Bayang Karerista?

May kaugnayan pala ito sa “gusto” ng ilang horse owners na magmistulang “bulag, pipi at bingi’ ang Philracom sa pagtatapos ng prangkisa (franchise expiration), partikular na ang ‘Metro Manila Turf Club (MMTCI) o “Metro Turf,” sa susunod na taon.

Eh, susme, naman, dear readers. Puwede bang “manahimik” ang Philracom sa importanteng isyu na ito?

Puwede ba namang mangyari na “kolorum” na pala ang ‘race track’ “papayagan” pa ng gobyerno, sa katauhan ng Philracom, ang patuloy na operasyon nito?

Eh, “saan” naman kaya “dadamputin” si Chairman Sanchez at ang buong board ng Philracom kung “pagbibigyan” nila ang isang “kapritso” na “wala sa hulog?” This is a huge scandal in the making that can only put them behind bars, sa totoo lang!

Maraming isyu ang kinakaharap ngayon ng Philippine horse racing industry, mga kabayan, mga isyu na siyang dahilan kung bakit “naghihingalo” na ito ngayon.

Subalit, sa isyung ito, suportado natin si Chairman Andrew dahil wasto, tama, ang kanyang posisyon.

Para naman sa mga horse owners at club owners, eh, hindi po ba “obligasyon” ninyo mga Bosing, na “asikasuhin” ang inyong mga prangkisa?

Abangan!