Home>Editorial>Opinion>Vape, bawal sa minors!

Vape, bawal sa minors!

SADYANG iba na ang henerasyon ngayon at kasama diyan ang pag-evolve din ng ilang bisyo tulad ng paninigarilyo na ngayon ay nagiging ‘vaping’ na tinatangkilik maging ng kabataan.

Upang matiyak na maiiwas ang mga estudyante o ang mga kabataang nasa edad 18 anyos pababa sa paggamit ng vaporized nicotine products, isinusulong ni Senador Ralph Recto ang panukala para ipagbawal ang pagbebenta at distribusyon nito malapit sa school premises.

Sa kanyang Senate Bill 1951 o ang proposed Vaporized Nicotine Products Regulation Act, nais ni Recto na iregulate ang importasyon, manufacture, pagbebenta, packaging, distribusyon at paggamit ng vapor products at heated tobacco products.

Vaporized Nicotine Products refer to a category of novel consumer goods that generate nicotine-containing or non-nicotine containing aerosol without combustion or burning. This product category embraces both heated tobacco products and vapor products,” pahayag ni Recto sa kanyang explanatory note.

Nakasaad sa panukala ang minimum age restriction na 18 years old para sa access sa produkto upang matiyak na mga adult lamang ang makagagamit nito.

Kailangang magpakita ng government-issued identification card ang buyer ng produkto bago makabili nito.

Alinsunod sa Section 9 ng panukala, ipagbabawal ang pagbebenta o distribution ng vaporized nicotine products sa loob ng 100 metro mula sa mga paaralan, palaruan at iba pang pasilidad para sa mga kabataan.

Batay din sa panukala, ipagbabawal ang paggamit ng vaporized nicotine products sa mga paaralan, ospital, government offices at facilities para sa mga minor.

It further limits to designated vaping areas, the use of these products in indoor facilities and in other specific places that are open to the general public,” dagdag pa ni Recto.

Ang mga lalabag ay mapapatawan ng multang mula P150,000 hanggang P500,000 o pagkakulong na hindi lalagpas sa limang taon.

Sa ganang akin, magandang hakbang ang panukala dahil maiiwas sa anumang bisyo ang mga kabataan.

Hanggang ngayon, wala pang linaw kung anong tulong sa kalusugan ang naibibigay ng vape.

Cancerous man ito o hindi, mas maganda pa ring tangkilikin ng mga kabataan ang mga gawaing kapaki-pakinabang.

Hindi itong vape na sa hitsura pa lang ay bisyo na ang patutunguhan.

Publication Source :    People's Tonight
Marlon Purificacion
Journalist At Large