Zarzuela sa Palasyo!

July 21, 2019

MAHALAGA ang papel ng isang customs broker sa Aduana.

Sa totoo lang, ang mga customs broker ang “work horse” ng mga importer.
Sila ang mga pinapagalitan ng mga importer kapag hindi lumabas sa oras o lumaki ang gastos ng isang kargamento.

Kahit mahirap ang trabaho, nagtitiis ang isang customs broker para may maipakain sa kanyang mga mahal sa buhay.

Pero ngayon, problemado sila dahil baka tuluyan na silang mawalan ng hanapbuhay.

Meron kasing inilabas na utos si BoC Chief Rey Leonardo Guerrero na puwedeng “pumatay” sa license customs broker profession.

Sa ilalim ng CMO 34-2019, ang isang authorized “declarant” o  “attorney-in-fact” ay puwedeng maghain ng “customs declaration for goods designated as for consumption, warehousing or in transit without the assistance and conformity of a license customs broker.”

Sa isang sulat kay Commissioner Guerrero, nakikiusap ang Chamber of Customs Brokers, Inc o CCBI na i-recall ang CMO 34-2019.

Sinabi ni CCBI President Adones Carmona na “unfair” ang nasabing CMO.
Sa panahon ngayon, talagang mahirap mawalan ng trabaho.

Maraming  customs brokers at  kanilang mga mahal sa buhay ang magugutom.

Bukod sa problema na ‘yan, isa pang matinding hinaharap ngayon ng mga broker at importer ay ang walang patumanggang pagtataas ng “value”ng nga kargamento.

Sa tindi ng takot kay Comm.  Guerrero, sa kanilang district collector at iba pang opisyal na may kinalaman sa bayarin ng buwis, ay pilit na itinataas ng mga appraiser at examiner ang duties and taxes kahit na walang basehan. Ang NVVS value naman na dapat daw sundin sa valuation ay mukhang ligwak din. Pinag-aralan kayang mabuti ang mga ginagawang value sa bawat produkto?

Ang hindi magandang resulta nito, siguradong tataas ang presyo ng mga produkto sa merkado, na ang tatamaan ay ang “consumers.”

Pero heto ang matindi, ayon sa ating miron, marami daw lumulusot sa “greenlane” na mabababa ang binabayaran at hindi naman naho-hold o na-aalert ang kargamento.  

Alam kaya ito ni Comm. Jagger o baka naman napapaikutan siya ng kanyang “trusted lieutenants?”

Ang masakit pa, ayon sa ating miron, karamihan daw ng lumalabas sa “greenlane” ay hindi na pinoprocess ang entry, kapag hindi na-alert o na-hold ang kargamento.  

At bakit nga ba naman na kahit bagong consignee pa lang ay napupunta na agad sa greenlane ang kargamento?

Hay, kawawang Jagger.  

Ang mahirap nito,  baka bigla na naman magpatawag ng pagdinig ang Senado matapos ang SONA ni Pangulong Duterte ngayong araw.

Sana ma-address agad ni Commissioner Guerrero ang hinaing ng mga broker at importer.  

At sana, medyo timbangin naman ni Commissioner Jagger kung tama at totooo ang mga sumbong at ideya ng kanyang “bulong brigade.”

Abangan…

* * *

Sa isang buwan ay magsasagawa na naman ang Commission on Elections (COMELEC) ng registration of voters para sa October 2020 barangay at sangguniang kabataan (SK) elections.

Dahil mahilig sa pulitika ang mga Pinoy, masaya na naman ang lahat.

Maganda naman ito para mapilitang magtrabaho ang mga opisyal ng barangay.

At magpakitang gilas din ang mga nagbabalak kumandidato sa darating na eleksyon.

Tamang-tama ito dahil sa paglobo ng bilang ng mga dinadapuan ng nakakamatay na dengue.

Siguradong kanya-kanyang gimik na naman ang mga gustong maging opisyal ng barangay.  

Sasama na naman sila sa paglilinis sa kapaligiran, lalung-lalo na sa mga dinadaluyan ng tubig, kagaya ng drainage canal, estero, sapa at ilog.

Kailangang linisin ang...

...mga ito para hindi pamugaran ng lamok, ipis at daga na nagdadala ng iba’t ibang sakit.  

Kasama na ang dengue, leptospirosis, na parehong nakakamatay.

* * *

Patuloy ang ginagawang paglilinis nina Pangulong Rody Duterte at Customs commissioner Rey Leonardo Guerrero sa Aduana.

Talagang maraming kinakabahan sa ginagawang “internal cleansing program” sa BoC.
Hindi maikakaila na may mga “bugok” pa ring... lingkod-bayan sa Aduana na kailangang matanggal sa serbisyo.

Pero iilan lang naman ang mga kawani na gumagawa ng mga bagay na nakakasira sa imahe ng BoC.
Sa totoo lang, ang mga opisyal at empleyado naman na nasa listahan ng mga ipinatawag sa

Malakanyang ni Pangulong Duterte ay dati nang nasampahan ng kaso.

Kaya nga maraming nagulat dahil parang “zarzuela” lang sa Palasyo ang nangyari.

Kung sino man ang nakaisip ng ideyang ‘yan, dapat sabunin ni Guerrero.

At dahil dito, sana huwag magpaapekto sa ginagawang paglilinis ang mga matitinong opisyal at empleyado ng ahensiya.

Huwag n’yong kalimutan na mayroon na lang kayong limang buwan para ma-meet ang mataas na collection target ninyo sa taong ito.

Kagaya ng sinasabi ng mga artista, “the show must go on.”
Dapat lang!

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:vicreyesjr08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.).