Home>Editorial>Opinion>EDSA 35th: Hindi na kayo makakaisa!

EDSA 35th: Hindi na kayo makakaisa!

MAY sariling batas ang rebolusyon na katulad ng 1986 People Power.

Walang eksaktong depinisyon ang salitang rebolusyon. Kapag tiningnan mo sa diksiyunaryo, ganito ang kahulugan ng salitang “revolution“: a forcible overthrow of a government or social order, in favor of a new system.

Walang sinabi rito kung ang gobyernong pinatatalsik ay matino o masama. Power grab lang ang puwedeng ipakahulugan sa rebolusyon. Kudeta ito sa madaling salita kasi wala namang rebolusyon ang nagtagumpay nang walang military support.

Halimbawa nga ay iyong EDSA 1986 at ang EDSA 2001.

In fairness kay Erap, silang dalawa lang ni Pangulong Duterte ang walang pinirmahang sovereign guarranty sa mga kontrata sa post-EDSA 1986 regime. Ang ibig sabihin ng sovereign guarranty, kapag nalugi ang pribadong kompanya na kakontrata ng gobyerno, ang publiko ang magbabayad sa lahat ng utang at pagkalugi nila!

Makati City Pabakuna

Kaya kapag nirebisa nyo ang ang documentary video ng mga naging rebolusyon dito sa atin, ang palaging bida ay mga oligarchs.

Ngayon ang tanong, ano ba ang nangyari sa ating bansa matapos ang People Power? Hindi ba’t lalo tayong nalubog sa utang at nagtaasan ang presyo ng mga bilihin?

Pati mga negosyo, nagkaroon na ng monopolyo ng mga kaibigan ng mga nagwagi sa rebolusyon. Iyong mga major players sa people power, lalong nagsiyaman at walang paglagyan ng pera samantalang iyong mga tao na sumugod sa EDSA, hayun, walang paglagyang ng gutom!

Kaya nga kalaunan, nilangaw na ang selebrasyon ng People Power dahil nagising na ang mga tao na ginagamit lang sila ng mga may pera at ng mga maimpluwensiya.

Hindi na sila mauto ng mga taong ito kaya kung may totoong slogan man ang ika-35th year ng EDSA People Power, iyon ay “Hindi na kayo makakaisa!” allanpunglo@gmail.com

Publication Source :    People's Tonight
Allan L. Encarnacion
Former Writer, Associate Producer, Magandang Umaga Pilipinas (ABS CBN) | Former writer, creative of Iba-BALITA, Studio 23 | Former host, Good Morning Kuya, UNTV