Home>Entertainment>Showbiz>Ella nagulat nang banggitin ni Minzy
Showbiz

Ella nagulat nang banggitin ni Minzy

Ella Cruz
Ella Cruz

AFTER five years, muling lumagda ng panibagong limang taong kontrata with Viva Artists Agency (VAA) si Ella Cruz. “Thankful po ako sa tiwalang ibinibigay sa akin ng Viva,” pahayag ng 24-year-old award-winning actress, dance princess, singer, composer, TikToker and YouTuber.

Sobrang nagulat si Ella nang banggitin ng South Korean K-pop star na si Minzy (dating miyembro ng 2NE1) na gusto umano siyang maka-collaborate nito bukod sa pop superstar na si Sarah Geronimo. Inamin ni Ella na isa umano ang grupong 2NE1 (kung saan din naging miyembro sina Sandara Park, CL at Park Boom) sa malaking impluwensya sa kanya kung bakit naging big fan siya ng K-pop. Alam ni Ella na posibleng mangyari ang collab dahil ang Viva na rin ang namamahala sa career ni Minzy sa Pilipinas.

Kahit sinasabi ng karamihan na ang 2020 ay bleak year sa Pilipinas at sa buong mundo, kinu-consider naman itong blessing ni Ella dahil maraming magagandang opportunities ang dumating sa kanya.

During the lockdown, naging creative umano siya. Naging content creator ng sarili niyang YouTube channel which has more than 1-M subcribers na. Meron din silang collaboration ng boyfriend na kapwa Viva artist, ang singer-dancer na si Julian Trono.

Despite her height, hindi ito naging hadlang kay Ella na maipakita ang iba’t ibang talent.

Dahil sa husay niyang sumayaw, nag-viral ang kanyang dance version ng “Twerk It Like Miley” which earned for her the tag as the new dance princess.

Nung isang taon, nasungkit ni Ella ang kanyang kauna-unahang acting award nang siya ang tanghaling Best Supporting Actress sa 2019 Cinemalaya Film Festival for the movie “Edward” na tinampukan din nina Louise Abuel at Eljay Canlas mula sa direksiyon ni Thop Nazareno. The movie inspired Ella to yearn for more out of the box materials.

“Gusto ko pong makagawa ng mga challenging role,” pahayag ng actress-dancer at singer.

Samantala, hindi rin makakalimutan ni Ella ang kanyang experience in Jakarta, Indonesia kung saan siya ang naging kinatawan ng Pilipinas sa isang Blackpink cover dance competition sponsored ng Samsung in January 2020 kung saan ang Blackpink mismo ang tumayong judges. Kasama ni Ella sa kanyang dance team ang dalawang miyembro ng Sexbomb Dancers na sina Daphny at Eunice. Nakuha ni Ella ang Best Dance Cover award. Three years ago, Ella had a chance to meet Blackpink in South Korea sa kanilang meet and greet. Ella was fan no. 7 sa pila.

Although matagal na ang relasyon ni Ella with her boyfriend na si Julian, wala pa umano sa immediate plans nila ang pag-aasawa. Bukod sa mga bata pa sila, pareho pa silang may mga pangarap na gustong matupad sa kanilang respective careers.

Bea lumayas na rin: Sino’ng susunod?

Bea Alonzo
Bea Alonzo

NAGPAALAM na rin sa talent management arm ng ABS-CBN, ang Star Magic ang aktres na si Bea Alonzo. Pero ayon kay Bea, kahit iba na ang mamahala ng kanyang career ngayon, ang veteran talent manager na si Shirley Kuan, she will remain a Kapamilya.

Bago nagpaalam si Bea sa Star Magic, nauna nang umalis sa kumpanya sina Piolo Pascual, Maja Salvador, Julia Barretto, McCoy de Leon, Diego Loyzaga at iba pa.

After Bea, sino kaya from Star Magic ang susunod na lalayas?

Tatlo sa apat na naunang pelikulang napili sa MMFF, nalaglag

Vice Ganda
Vice Ganda

MARAMING film watchers ang nag-aabang kung ano ang magiging resulta ng kauna-unahang Metro Manila Film Festival on digital platform dahil sa pandemic.

Kung almost P1-B ang gross receipts ng 2019 Metro Manila Film Festival, sinisiguro ng marami na malabo itong ma-achieve this year dahil sa sitwasyon.

Kung dati-rati’y walo lamang parati ang kinukuhang official entries sa taunang December festival, this time ay ginawa itong sampu na magsisimula ang streaming on Christmas day, December 25 at magtatapos on January 7, 2021.

Na-announce na last July 2020 ng MMFF Execom ang apat na napiling official entries based on script submitted na kinabibilangan ng “Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan,” isang horror movie na tinampukan nina Joshua Garcia at Angie Ferro na dinirek ni Chito Rono under Regal Entertainment, ang “The Exorcism of My Sismus,” isang horror-comedy na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga na dinirek ni Fifth Solomon under TinCan Productions, ang “The Super Praybeyt Benjamin,” isang comedy film na tinampukan nina Vice Ganda at Ivana Alawi at dinirek ni Jun Lana for Viva Films at ang “Magikland,” isang fantasy-adventure na pinagbidahan nina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo at Jun Urbano na dinirek ni Christian Acuna for Brightlight Productions. Pero, isa lamang sa apat na pelikulang nabanggit ang pumasok sa final 10 entries ng 2020 MMFF, ang “Magikland” at nalaglag ang movies nina Vice Ganda, Toni and Alex Gonzaga at Joshua Garcia.

Bukod sa “Magikland,” ang siyam pang pumasok sa sampung official entries ng MMFF ay ang family drama na “Coming Home” na tinatampukan nina Jinggoy Estrada at Sylvia Sanchez na dinirek ni Adolf Alix under Maverick Films; ang “Fan Girl,” isang drama movie nina Paulo Avelino at Charlie Dizon na pinamahalaan ni Antoinette Jadaone at magkakatulong na prinudyos ng Black Sheep Productions, Globe Studios, Project 8 Corner San Joaquin Projects, Epic Meid at Crossword Productions; ang “Isa Pang Bahaghari,” isang family drama na tinatampukan nina Nora Aunor, Phillip Salvador at Michael de Mesa na dinirek ni Joel Lamangan under Heaven’s Best Entertainment; ang comedy movie na “Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” na pinagbibidahan nina Vhong Navarro at Barbie Imperial na dinirek ni Topel Lee under Cineko Productions; ang isa pang comedy film na “Pakboys Takusa” na tinatampukan nina Janno Gibbs, Dennis Padilla, Andrew E. at Jerald Napoles na dinirek ni Al Tantay under Viva Films; ang biopic na “Suarez: The Healing

Priest” na dinirek ni Joven Tan at pinagbibidahan nina John Arcilla at Alice Dixson under Saranggola Media Productions and Viva Films; ang romance movie na “Tagpuan” na dinirek ni Mac Alajendre under Alfrednative Vision Cinema at tinatampukan nina Alfred Vargas, Iza Calzado at Shaina Magdayao; ang romantic-comedy na “The Boy Foretold by the Stars” na dinirek ni Dolly Dulu under Clever Minds, Inc. at pinagbibidahan nina Adrian Lindayag at Keann Johnson at ang pangsampu ay ang horror film na “The Missing” na dinirek ni Easy Ferrer under Regal Films at tinatampukan naman nina Joseph Marco, Miles Ocampo at Ritz Azul.

Since first time gagawing online ang MMFF, napakalaking challenge ito sa pamunuan ng festival gayundin sa mga manonood.

Samantala, ano naman kaya ang pakiramdam nina Vice Ganda, Toni and Alex Gonzaga maging si Joshua Garcia na hindi na sila kasama sa official entries ng 2020 MMFF?

Watch, subscribe and share “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram asteramoyo