Home>Editorial>Opinion>Endangered species, marijuana huli sa NAIA

Endangered species, marijuana huli sa NAIA

LALO pang pinaigting ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang pagbabantay sa mga bodega ng air cargo terminal sa NAIA.

Ito ay upang bantayan ang mga pagtatangkang magpasok sa bansa ng mga illicit na produkto at bagay na nangangailangan ng permit.

Sinabi ni BoC-NAIA District Collector Mimel S. Manahan-Talusan na may utos si BoC Chief Rey Guerrero na higit pa ngang paigtingin ang border protection campaign.

Kaugnay nito, noon ngang nakaraang linggo ay naka-intercept ang BoC-NAIA ng mga puslit na tarantula at scorpion.

Sa isang pakete ay nakita ng mga tauhan ni Collector Talusan ang 20 tarantula at walong scorpion.

Parehong makamandag at endangered species, ang mga gagamba at scorpion ay galing Thailand.

Ang pakete ay idineklarang naglalaman ng mga “teaching equipment.

Kaagad na ibinigay ng BoC-NAIA ang mga kontrabando sa Department of Environment and Natural Resources.

Noong Oktubre 2020 ay nakakumpiska ang BoC-NAIA ng mahigit isang daang tarantula galing Poland.

Ang mga gagamba ay nakalagay sa mga de gomang sapatos.

Ang BoC ay kaisa ng DENR laban sa tinatawag na wildlife smuggling.

Isang “lucrative” na negosyo ang pagpupuslit ng mga endangered species na halaman at animals.

***

Dalawang lalake ang inaresto ng Bureau of Customs (BoC) habang kini-claim ang isang air parcel galing Estados Unidos.

Ang pakete ay naka-consign sa isang Dimitria Escalona ng Batangas.

Ang pakete ay naglalaman ng 500 gramo ng tuyong dahon ng marijuana at hindi “musical instruments.

Dumating sa bansa ang parcel sa pamamagitan ng Fedex-Pasay city.

Makati City Pabakuna

Ang air parcel ay padala ng isang Nina Manuel ng California, USA.

Ang mga hinuli ng BoC-NAIA, PDEA at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group ay sina Van Joshua Magpantay at Johnyengle Hernandez.

Ang marijuana ay nagkakahalaga ng P600,000.

Noong isang linggo ay nakasakote rin ang BoC-NAIA ng 535 ecstasy tablets sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

Nagkakahalaga ng P1 milyon, ang droga ay galing sa The Netherlands.

Congrats sa mga taga BoC-NAIA.

***

Nagsimula nang magparamdam ang mga kakandidato sa darating na national at local elections.

Sa Oktubre na kasi ang paghahain ng mga Certificate of Candidacy (CoC) para sa May 9, 2022 polls.

Sa tingin natin ay kanya-kanya ng bulong ang mga nagbabalak tumakbo sa mga lider ng mga partido politikal.

Lalo na sa mga nagbabalak na kumandidato sa pagka-presidente, bise presidente at senador.

Sa dami ng gustong kumandidato, sigurado na naman ang “batuhan ng putik.

Kinakabahan na rin ang mga opisyal ng BoC. Mahirap kasi , baka may mga nagbabalak na namang manghingi ng campaign fund sa kanila.

Sana wala, kawawa naman ang mga kaibigan natin sa aduana.

Hindi naman nila pinupulot ang pera.

Kung may mangilan-ngilang gumagawa ng kalokohan, karamihan naman sa kanila ay pinaghihirapan ang pagkita ng pera.

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email: tingnan natin08@gmail.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

Publication Source :    People's Tonight