Filipino 'Verdict' movie official entry sa Oscars

September 20, 2019

IBINALITA ng Film Academy of the Philippines na pinamumunuan ng director general na si Leo Martinez na ang pelikulang “Verdict” ng Center Stage Productions ang magiging official entry ng Pilipinas sa ika-92nd Annual Academy Awards or Oscars sa America.  Ang nasabing pelikula about domestic violence ay pinagbidahan nina Max Eigenmann at ang yumaong actor na si Kristoffer King mula sa direksiyon ni Raymund Ribay Gutierrez na produkto ng Brillante Mendoza Film Workshop at ng  Armando Lao Found Story School of Filmmaking.

Ang “Verdict” ay pasok sa International Feature Film category (formerly Foreign Language Film) ng Academy Awards na gaganapin on February 9, 2020 sa Dolby Theatre in Hollywood, Los Angeles, California, USA presented by the Academy of Motion Picture Arts and Sciences.

“Verdict” was the only film entry from Southeast Asia sa recently concluded Venice Film Festival (August 27 to Sept. 7, 2019) kung saan ginawaran ang pelikula ng Special Jury Award in the Horizon Section.

Si Max Eigenmann ang maituturing na pinaka-low profile among the Eigenmanns na nasa showbiz. Siya’y anak ng yumaong si Mark Gil sa dating beauty queen-turned actress na si Bing Pimentel at brother ng actor na si Sid Lucero habang half-siblings naman niya sina Gabby, Ira at Andi Eigenmann.

Hindi naman na inabutan ng actor na Kristoffer King ang magandang balita dahil ito’y sumakabilang-buhay dahil sa kumplikasyon sa diabetes nung nakaraang February 23, 2019 sa edad na 37.

Win or lose, ang makapasok lamang sa Oscars ay isa nang malaking karangalan para sa Pilipinas.