2 direktor, nagmurahan dahil sa ‘Elise’

February 06, 2019
Janine Gutierrez & Enchong Dee

Enchong, may na-realize sa team-up kay Janine.

NAGPASALAMAT si Janine Gutierrez sa good reviews ng Elise from the film critics and the moviegoers.

May isang film critic pa nga na five stars ang  ibinigay sa Regal Entertainment movie at tinawag na “low-key, I think I just watched a masterpiece.” 

Post ni Janine: “THANK YOU so much for all the amazing reviews that we honestly are overhelmed by.”

Sabi naman ng leading man niyang si Enchong Dee: “Hindi ko alam pa’no sisimulan, siguro magpapasalamat na lang ako sa ’yo (nagbabasa nito), ikaw kasi ’ata ’yung dahilan kung bakit ’andito pa rin ako.

“Pinaalala sa ’kin ng pelikulang ’to na mahal ko pala talaga ang pag-arte. Maraming salamat sa lahat ng nagtiwala at nag-alaga sa ’kin habang ginagawa ko ang pelikulang ’to...

“Sa lahat ng naging parte nito at sa tunay na Bert at Elise... mahal ko kayo. Sa mga nanood... thank you at sa manonood pa lang, hayaan n’yo akong magkwento sa inyo tungkol sa unang pagmamahal ko.”

Ani Director Joey Reyes, line producer ng movie, nag-away sila ni Director Joel Ferrer at nagmurahan pa while doing the film.

Naikwento rin niya Joey na ang original choice ni Direk Joel na theme song, isang OPM song, hindi pumuwede dahil P450,000 ang rights na hiningi.

Kwento naman ng producer na si Roselle Monteverde, pinabawasan ang make-up ni Janine dahil mas maganda ang aktres sa light make-up.

True enough, bukod sa ganda ng movie at husay ng acting, isa sa mapapansin ang kagandahan ni Janine.

May nag-comment pa nga na para siyang Hollywood actress sa ganda.