2019 concert ni Sharon, kinansela

December 15, 2018
Sharon Cuneta

KANSELADO na ang nakatakdang concert ni Sharon Cuneta na itataon sana niya at ng team niya sa January 26, 2019 birthday niya.

Isang post ang inilabas ng megastar sa kanyang Instagram kaugnay ng hindi matutuloy na concert.

“It is also with a heavy heart that I have to announce that my team and I have decided to cancel My 40 Years, Book 2 concert on January 26. My  movie shooting schedule will still go on untouched though.

“I need to accept that I was ‘Darna’ in a movie but I am not in real life. Thanks so much and don’t worry  -- we are already planning lots of things for you in 2019. God bless us all.”

Ang pelikulang ginagawa ngayon ni Sharon ay ang horror film na Kuwaresma kung saan first time siyang ididirek ni Erik Matti.

Sa impormasyong nakuha namin, sa Baguio City ang karamihan sa shooting at hindi matinee idol kundi magaling na drama actor ang kapareha niya roon.

Sa mahaba-habang IG post ni Sharon, sinabi niya na, “Hi. I’m sorry I haven’t updated you in days. My body finally gave in to overfatigue & Kiko had to text my boss Ms. Cory Vidanes to tell her I had been vomitting & had come down with the flu & as a result I couldn’t sing at the ABS-CBN Christmas Special taping.

Patuloy niya, “... I came home to Manila Friday to launch my album Sat. I weighed myself again today & have lost a total of 7 lbs. in two weeks without trying.

“Sa shooting, madalas ’pag kainan na, tinutulog ko na lang. Worse, I could actually forget to eat all day.

“I launched my album & realized only there that I didn’t eat at all. Everyday since, hihingi ako ng breakfast pero makakain ko madalas halos gabi na.”

Dagdag ni Sharon, tatapusin lang niya ang debut ng anak na si Frankie (kagabi) at birong plano niyang magtulog ng “1 week straight.”