23rd APHCA Hair & Makeup Olympics in Singapore tagumpay

October 15, 2019
Ricky Reyes

NAGBAKASYON  sa Singapore ang “Edward” Best Supporting Actress at singer-dancer na si Ella Cruz kasama ang kanyang pamilya.  Although nasa Singapore din kami during the weekend, hindi nagtugma ang aming schedules kaya hindi na kami nagkita.

Habang nagbabakasyon sa Singapore si Ella with  her family, kami naman ay dumayo roon para sa ika-23rd APHCA Hair & Makeup Olympics which was founded and headed  by Filipino beauty czar, TV host and philanthropist na si Mader Ricky Reyes na ginanap sa Singapore Expo Hall nung nakaraang Linggo, October 13, 2019.  Pero bago ang nasabing event ay  nagkaroon ng welcome dinner para sa lahat ng APHCA country leaders of 17 countries in Asia-Pacific and their respective delegates na ginanap sa Singapore Flyer Event Hall ng Raffles Avenue in Singapore.

APHCA stands for Asia Pacific Haidressers & Cosmetologists Association with over 20 member countries but this time ay 17 country heads lamang ang nakadalo  na pinangunahan mismo ni Mader Ricky ng Philippines.  Other APHCA country heads include Fatou Ndoye (Australia), Sun Heang (Cambodia), Thomas Wong (China), Shirley Shek (Hong Kong), Rudy Hardisuwano (Indonesia), Koji Yokohama (Japan), Eung Soo Kang (Korea), Beniface Chao (Macau), Airene Wong (Malaysia), Tsogzolma Tsedenjorj (Mongolia), Edward Wong (Singapore), Suraj Gunasekera (Sri Lanka), Johnny Tai (Taiwan), Theresa Tam (Thailand), Everlyn Ho (USA) at Xiao Wei (Vietnam).

Taun-taon ay ginaganap ang annual  APHCA Hair & Makeup Olympics sa iba’t ibang bansa in Asia Pacific. This  year ay ginanap ito sa Singapore na pinamunuan ng Spa & Wellness Association president in Singapore at APHCA country leader (Singapore)   na si  Edward Wong.

Most of the country leaders and their respective delegates were billeted at Park Avenue Hotel in Changi  kaya nagkikita-kita sila madalas either sa hotel lobby o sa coffee shop.

As in the past  22 years ng APHCA, Mader Ricky remains the solid force and  icon of the organization.  Everybody looks up to him with respect.  He is treated like a superstar in the association.  Sa NAIA airport pa lamang ay marami tayong mga kababayan ang humihingi ng souvenir photo with him at hindi ito naiiba sa Changi Airport ng Singapore maging sa lugar na pinupuntahan nito kung saan marami ang mga Pinoy.

Kung dito sa Pilipinas ay kilala siya as Mader Ricky, ganundin ang tawag sa kanya ng mga leaders and members mula sa iba’t ibang bansa.

Sa opening ng ika-23rd APHCA Haire & Makeup Olympics na ginanap sa Singapore Expo Hall, nakakatuwang tingnan ang Parade of Nations na pinangungunahan mismo ng mga country leaders and their respective delegates na bitbit at nakagawayway ang kanilang mga flags.  Ito’y indikasyon ng pagkakaisa ng maraming bansa sa isang common goal.

Before the competition started, nagbigay ng mensahe ang APHCA Singapore head na si Edward Wong na sinundan ng message mula sa founding president ng Asia Pacific Hairdressers & Cosmetologists Association na si Mader Ricky Reyes. Kasunod na rito ang pagsisimula ng competition para sa iba’t ibang kategorya – ladies and men’s haircurt, bridal make-up, evening party hairstyling, evening party make-up, fantasy make-up,semi-permanent make-up at iba pa.  

At the end of the day’s hair and make-up competition, dalawang 1st prize award and nakuha ng delegation ng Pilipinas – ang Evening Party Make-up for Raquel Pangilagan at si Luis Tacoboy for Men’s Hair Cut.  Nakuha naman ni Christian Rogel ang 2nd runner-up for Bridal Make-up at 5th place sa Evening Party Make-up habang si Jason Hisola ay nanalong 4th runner-up for Ladies’ Hair Cut.

Ang over-all champion ay nakuha ng Macau.

Kung may local and international beauty pageants, may sarili ring local and international competition ang hair & make-up industry. But more than the competition, nasaksihan namin ang mainit na pagkakaibigan at pagkakaisa ng iba’t ibang country heads and delegates ng APHCA na binuo at pinangunahan ng isang nag-iisang Mader Ricky Reyes.

Speaking of Mader Ricky, hindi nito personal na natanggap ang dalawang tropeo mula sa ika-33rd PMPC Star Awards for Television na ginanap sa Henry Lee