27 years na ang relasyon nina Gladys at Christopher

March 31, 2020
Christopher Roxas and Gladys Reyes

WALANG mag-aakala na tatagal ang pagsasama ng celebrity couple na sina Gladys Reyes at Christopher Roxas dahil nagsimula silang maging magkasintahan at age 12 and 14 nang magkasama sila sa family drama TV series na “Mara Clara” in 1992 na tumagal hanggang 1997.

First boyfriend-boyfriend nina Gladys at Christopher ang isa't isa. After 11 years bilang magkasintahan, nagpakasal ang dalawa nung January 23, 2004 when Gladys was 25 at 23 naman si Christopher.

Kahit matagal ang pagiging magkasintahan noon ng dalawa, there was a time na nagkahiwalay sila pero ito’y tumagal lamang ng dalawang buwan at kalahati at muli silang nagkabalikan.

Three years before they got married ay nagtungo si Christopher ng Amerika then sa Monte Carlo, Monaco para maghanapbuhay. While in Monaco ay na-train siya sa kitchen ng royal family at dito nagsimula ang kanyang interest sa pagluluto.  Pero pagkaraan ng halos dalawang taon ay bumalik siya ng Pilipinas pero umalis din patungong Japan para tumulong sa kanyang tiyahin na i-set up ang kanilang resto-club.  Nang magka-Ondoy (typhoon) ay nag-desisyon si Christopher na muling bumalik ng Pilipinas.

Isang devout Catholic ang pamilya ni Christopher bago niya nakilala si Gladys na isang saradong Iglesia ni Cristo.  Dahil sa pagiging INC member ni Gladys ay nagpa-convert si Christopher at sila’y ikinasal sa Iglesia ni Cristo Central Temple along Commonwealth Avenue in Quezon City nung January 23, 2004.

Nagka-miscarriage si Gladys sa kanilang first baby ni Christopher pero after that ay nabiyayaan naman sila ng apat na anak na sina Christophe (14), Aquisha (11), Grant (9) at si Gavin (2).

Although mahigit 16 years pa lamang silang kasal pero kung idadagdag ang 11 years nila bilang magkasintahan ay lumalabas na mahigit 27 years na ang relasyon  nina Gladys at Christopher.