3rd Eddys big success, Kathryn, Dingdong wagi

July 15, 2019
Dingdong Dantes
Dingdong Dantes, best actor for ‘Sid and Aya'.

NAGING malaking tagumpay ang ikatlong taon ng Eddys Awards ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na ginanap sa New Frontier Theatre nung nakaraang linggo (July 14) ng gabi. Tumayong host ng maningning na gabi si Korina Sanchez-Roxas.

Nanalong best picture ang pelikulang “Liway,” isang indie movie na ipinalabas sa Cinemalaya nung August 2018 at tinampukan nina Glaiza de Castro, Dominic Roco, Sue Prado at iba pa at dinirek ni Kip Oebanda. Ito rin ang pinarangalan ng Best Editing at Best Screenplay.

Si Direk Joel Lamangan naman ang nagwaging Best Director for the movie “Rainbow’s Sunset” na tinampukan nina Gloria Romero, Tony Mabesa at ang yumaong si Eddie Garcia and produced ng Heaven’s Best Entertainment.

Ang “Hello, Love, Goodbye” co-star ni Alden Richards na si Kathryn Bernardo ang nanalong Best Actress para sa movie nila ni Daniel Padilla nung isang taon, ang “The Hows of Us” na dinirek ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema.  Ang record-breaking movie ay tumabo sa takilya ng mahigit P900-M.

Best Actor naman ang mister ni Marian Rivera na si Dingdong Dantes para sa movie nila ni Anne Curtis last year, ang “Sid and Aya (Not A Love Story)” na dinirek ni Irene Villamor under Viva Films and N2 Productions.

Best supporting actress naman ang Kapuso actress na si Max Collins for the movie “Citizen’s Jake” habang ang nobyo ni Maine Mendoza na si Arjo Atayde naman ang nagwaging Best Supporting Actor para sa pelikulang “Buy Bust” na pinagbidahan ni Anne Curtis at dinirek ni Erik Matti.

Other awardees include Yam Laranas for Best Cinematography for the movie “Aurora,” Best Visual Effects for Ernest Villanueva at Gem Garcia for the movie “Aurora,” Best Musical Score for Paulo Protacio for “Bakwit Boys,” Best Production Design for Roy Lachica sa pelikulang “Goyo: Ang Batang Heneral,” Best Original Theme Song “Maybe the Night” ng Ben&Ben for “Excess Baggage,” Best Sound  for Alan Carl, Pierre Marco at Javier for “Bakwit Boys”.

Habang ang mga Special Awards naman for Joe Quirino Award ay napunta kay Cristy Fermin, Manny Pichel Award kay Manay Ethel Ramos, Producer of the Year  - Star Cinema, Rising Producers’ Circle – Spring Films at T-Rex Entertainment, Lifetime Achievement Awards – Elwood Perez, Beautederm Star of the Night – Lorna Tolentino at Posthumous Award – Dolphy.

Ang mga Kapuso stars na sina Juancho Trivino at Arra San Agustin ang nag-host sa red carpet ng ikatlong Eddys Awards.

Congratulations sa mga nanalo, gayundin sa bumubuo ng SPEEd.