At 41, marami pang opportunities kay Juday

October 02, 2019

IN her over three decades in the industry, aminado ang young superstar na si Judy Ann Santos na ngayon lamang umano siya makararanas na dumalo sa isang international film festival, ang Busan International Film Festival (BIFF) ngayong October 3 – 12, 2019 na gaganapin sa Busan, South Korea kung saan kalahok ang pelikula niyang “Mindanao” na dinirek ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza.

For the very first time ay lalakad si Judy sa international red carpet kasama ang kanyang mister na si Ryan Agoncillo at ang director ng pelikula na si Direk Brillante.

Ayon kay Juday, matagal na umano niyang pangarap na makatrabaho si Direk Brillante at natupad sa pelikulang “Mindanao” where she plays the role of a Muslim mother na may anak na may sakit na kanser.

Bukod sa pagdalo sa ika-24th Busan International Film Festival, haharapin din ni Juday ang pagsisimula ng kanyang bagong teleserye sa Kapamilya Network, ang “Starla” na magsisimulang umere sa darating na Lunes, October 7 bilang kapalit ng “The General’s Daughter” ni Angel Locsin na magtatapos ngayong Biyernes, October 4.  Nakatakda rin siyang dumalo sa isang internatational book fair sa United Arab Emirates (UAE) bilang isa sa 20 Filipino book authors na naimbitahan sa nasabing event. Si Judy Ann ay naglabas ng kanyang sariling cook book, ang “Judy Ann’s Kitchen”.    Since nakatango na siya sa nasabing international book fair, hindi na siya makakadalo sa Tokyo International Film Festival in November kung saan kalahok ang pelikula niyang “Mindanao”.

Natutuwa si Juday na kung kelan 41 na siya, may asawa’t mga anak ay marami pa ring milestone ang patuloy na dumarating sa kanya.