Abby nanibago sa local showbiz

November 15, 2019
Priscilla Almeda

IBINALITA sa amin ng manager na si Nestor Cuartero na nakatakda umanong mapanood sa long-running and top-rating action-drama TV series  na “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin anyday soon ang comebacking actress na si Priscilla Almeda.

Si Priscilla (o Abby Viduya) ay 15 years nawala sa Pilipinas matapos nitong mag-trabaho sa Japan and moved to Canada kung saan ito nag-stay nang mas matagal.

A mother of 3, iniwan muna ni Abby sa kanyang adoptive parents in Alberta, Canada ang kanyang mga anak dahil wala pa umanong kasiguraduhan ang magiging takbo ng kanyang showbiz comeback sa Pilipinas.

“Ayoko rin kasing masira ang kanilang pag-aaral.  When things get better here, puwede naman silang magbakasyon dito o kung hindi man ako ang lilipad ng Canada to visit them,” paliwanag ni Abby na aminadong naninibago umano siya  sa Metro Manila maging ang mga kabataang artista ngayon na napapanood lamang umano niya sa TFC (The Filipino Channel) in Canada.

Natutuwa si Abby na marami sa kanyang mga kapanabayan at nakasama sa bakuran ng Seiko Films noon ay aktibo pa rin sa kanilang respective showbiz careers at natutuwa rin siya na mayor na ng Maynila si Isko Moreno.