ABS-CBN, bakit nagkukumahog sa mga bagong palabas?

January 14, 2020
Liza Soberano and Enrique Gil
Liza Soberano and Enrique Gil

SUNUD-SUNOD ang projects ng ABS-CBN sa pagsalubong ng taong 2020.

Unang pasabog nito ang kick-off celebrations ng ASAP Natin 'To! para sa 25th anniversary nito. Nag-trending ang "Tala Nation Day" segment na kung saan humataw ang Pop Star Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang mga nag-viral sa pagsayaw ng "Tala."  Iba talaga ang power ng social media dahil nagawa nitong pasikatin ang nasabing kanta na una nang inilabas noong 2016. Magandang pabaon ito kay Sarah sa kanyang bagong journey dahil balitang magpapakasal na sila ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidecelli - anytime soon.

Isa pang pasabog ay ang pagbabalik ng LizQuen sa primetime teleserye. Buwena mano sa pagpapakilig ang tambalan nina Liza Soberano at Enrique Gil sa kanilang latest offering - "Make It with You". Tiyak na aabangan ito ng kanilang fans dahil matagal din silang nabakante sa paggawa ng teleserye. Their last TV project "Bagani" was in 2018 yet. Liza took a short break for her finger surgery in America. Sa January 13 na magsisimula ang "Make it with You", kapalit ng "Starla" ni Judy Ann Santos.

Isa pang aabangan ngayong January 20 ay ang military-themed series "A Soldier's Heart" na pagbibidahan nina Gerald Anderson at Elmo Magalona. Ito ang papalit sa "The Killer Bride." What a coincidence that Gerald and Elmo were romantically linked to Maja Salvador, and Janela Salvador; respectively, who topbill the said thriller series.  Bibida rin sina Carlo Aquino, Vin Abrenica, Nash Aguas, Jerome Ponce at Yves Flores sa nabanggit na programa.

Samantala, pareho raw mataas ang ratings ng "Starla" at "The Killer Bride". Kaya malaking palaisipan sa amin kung bakit papalitan na kaagad ang mga ito. Sanay kami kasi sa practice ng Kapamilya network na ini-stretch ang takbo ng kuwento 'pag nagri-rate ang isang teleserye. May kinalaman ba ito sa nalalapit na expiration ng franchise nito ngayong March 20? Just asking...

Disclaimer:

For reactions/comments, text or call 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.com