ABS-CBN ipinakita na ang mga pasabog sa isang taon

November 28, 2018
ABS-CBN logo

ISANG araw na lamang ang natitira sa buwan ng Nobyembre at pasok na ang buwan ng Disyembre simula ngayong Sabado.

Last Tuesday (November 27) evening at the trade launch ng ABS-CBN  na pinamagatang “Family is Love” na ginanap sa PICC ay formal na ini-anunsyo ang kanilang mga naka-line-up na proyekto sa unang quarter ng 2019  mula sa mga pelikula under Star Cinema and Black Sheep Productions, ang mga reality and variety shows at teleserye at maging sa digital platform.

Ilan sa mga pelikulang dapat abangan ay ang “Eerie,” “Sakaling Maging Tayo,” “Open,” “Clarita” at maging ang upcoming movie nina Liza Soberano at Enrique Gil under Black Sheep na pamamahalaan ng `Hugot’ director na si Antoinette Jadaone.  Pangungunahan naman ng “The General’s Daughter” na pinagbibidahan ni Angel Locsin ang mga bagong teleserye na aabangan sa isang taon.

Casting coup na maituturing ang “The General’s Daughter” na pinamamahalaan ni Manny Palo.  Bukod kay Angel, tampok din sa nasabing action-drama series sina Ryza Cenon, Paulo Avelino, JC de Vera at Arjo Atayde kasama sina Maricel Soriano, Albert Martinez, Eula Valdez, Janice de Belen, Tirso Cruz III, Eric Quizon, Louise de los Reyes, Art Acuna, Cholo Barretto, Kim Molina, Polo Ravales, Lexi Fernandez, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, Alessandra de Rossi at kung saan naman may special participation sina Roxanne Guinoo, Bernard Palanca, Joseph Bitangcol at Meg Imperial.

Magkakaroon din ng isang dance competition for kids na pinamagatang “World of Dance Philippines” na ang participants ay mula sa edad na walo pataas to be hosted by 2015 Miss Universe-turned model-actress-host na si Pia Wurtzbach at Luis Manzano.  Ang mga uupong hurado ay sina Gary Valenciano, Maja Salvador at Billy Crawford na pare-parehong mahuhusay na dancers bukod sa kanilang singing talent.  Ang mapipiling grand champion ay makikipag-compete sa US version ng programa sa Amerika.