Home>Entertainment>Showbiz>ABS-CBN nababahala sa red tag kina Angel at Liza

ABS-CBN nababahala sa red tag kina Angel at Liza

Liza Soberano
Liza Soberano

DAHIL sa mga kumakalat na pag-uugnay sa mga aktres na sina Angel Locsin at Liza Soberano sa ilang mga makakaliwang grupo, nababahala hindi lamang ang mga nabanggit, kundi pa ti na rin ang mga taong malalapit sa kanila. Kaya naman dahil dito, nagpadala ng statement ang ABS-CBN (para kay Angel) gayundin ang management company na Star Magic (para kay Liza) ng official statement upang pabulaanan ang mga nakababahalang ppahayag.

Narito ang ABS-CBN statement para kay Angel:

“ABS-CBN is very much concerned about the wrongful identification of Angel Locsin as a member of the NPA. Doing humanitarian activities and speaking one’s mind do not make one a member of a communist group. We believe that Angel, like any Filipino, has the right to express herself and stand for her principles without judgement.

We support Angel as she continues to devote her time, talent, and resources to various philanthropic activities.”

At narito naman ang magkasamang statement ng Abs-CBN at Star Magic para kay Liza:

“Liza Soberano is an advocate of women’s rights and supports initiatives that protect and promote women’s interests.

ABS-CBN and Star Magic stand by Liza Soberano as she speaks out against violations of women’s rights. This is her own voice and not of any person or group.

It is our hope that people may be allowed to freely participate in meaningful and rational discussion of issues without having to be red-tagged.”

Heart saan ang Christmas celebration ngayong taon?

Heart Evangelista
Heart Evangelista

SA interview niya sa GMANetwork.com, ibinahagi ng Kapuso Queen of Creative Collaborations na si Heart Evangelista na wala pa silang plano ng kanyang pamilya kung paano nila ipagdiriwang ang Pasko ngayong taon.

Aniya, “I actually have no idea, but I definitely changed my big, big tree, which was almost half of this room to that little tree over there. It’s like a plant. That’s how small my Christmas tree is because I guess there’s just so much work, and you know, it’s just complicated these days. But I still wanted to put a symbol of Christmas in our home.”

“And I’m not really sure if I’m gonna spend Christmas here (Manila) because as much as possible, I want to be with as many relatives as possible. So, baka sa Sorsogon kami magki-Christmas,” kuwento pa ng Kapuso star.

Samantala, looking forward naman si Heart sa upcoming release ng kanyang single na ini-record 15 years ago – ang “Breathe You.” Abangan ‘yan ngayong Martes (October 27) sa lahat ng digital streaming platforms worldwide.

Sanya bagay sa karakter ni Yaya Melody

Sanya Lopez
Sanya Lopez

PERFECT fit para sa Kapuso actress na si Sanya Lopez ang role ni Yaya Melody sa upcoming GMA primetime series na ‘First Yaya.’

Ayon sa interview ng aktres sa GMA Network, malapit daw sa kanyang pagkatao ang karakter ni Yaya Melody, “Alam niya kung paano hawakan ‘yung isang bagay, ‘yung isang sitwasyon. Si Melody ‘yung parang kahit anong ibigay mo sa kanya pakiramdam mo kakayanin niya. Very positive siyang tao and sobrang matutuwa ka sa kanya.”

Sa susunod na buwan ay sasabak na ang cast ng ‘First Yaya’ sa kanilang lock-in taping. Dahil diyan, patuloy ang preparasyon ni Sanya para sa proyekto kung saan makakatambal niya ang actor na si Gabby Concepcion.