Home>Entertainment>Showbiz>ABS-CBN nakipagsanib-puwersa sa isang Asian streaming company

ABS-CBN nakipagsanib-puwersa sa isang Asian streaming company

Abs-cbn wetv

MAKASAYSAYAN ang pagsasanib-puwersa ng Asian streaming service company (from China) na WeTV/ iflix na siyang naghahatid ng mga top Asian and local premium content at ang pinakamalaking entertainment content provider ng bansa, ang ABS-CBN.

Ang pagdyu-join forces ng dalawang major companies was formally launched last Wednesday, March 17, 2021 kung saan inanunsyo ang tatlong mga bagong TV series na magsisimulang mapanood sa Kapamilya network na unang mapapanood muna sa WeTV/ iflix 50 hours bago ito mapanood sa local TV at iba pang platform.

Ang tatlong naturang TV series ay ang inspirational drama series na “Huwag Mangamba” na tinatampukan ng Gold Squad stars na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin, ang romance drama na “Init sa Magdamag” na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman at ang top-rating at longest-running action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin.

Ayon sa country manager ng WeTV/iflix na si Georgette Tengco, it took them three years bago ito naisakatuparan with ABS-CBN. At that time, bagong-bago pa lamang sa Pilipinas ang WeTV/iflix.

Of course, sa loob ng tatlong taon ay marami ang nangyaring hindi inaasahan at kasama na rito ang pagdating ng pandemya sa buong mundo at ang pagkakait ng Kongreso ng prangkisa sa ABS-CBN. Pero nanatiling bukas ang komunikasyon ng dalawang kumpanya hanggang ito’y mag-materialize.

Nagpaabot ng pasasalamat at kasiyahan ang respective bosses ng dalawang kumpanya sa pamamagitan nina Georgette Tengco (country manager) at Anna Driz (Director – Advertising Sales ng WeTV/iflix) maging sina Mark Lopez (Chairman ng ABS-CBN), Carlo Katigbak (President-CEO ng ABS-CBN) maging ang Chief Operations Officer for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes.

Bukod sa big bosses, dumalo rin sa partnership trade launch sina Coco Martin (representing “FPJ’s Ang Probinsyano”), sina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman (for “Init sa Magdamag) at ang bumubuo ng Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin (for “Huwag Kang Mangamba”). Inawit naman nina Jona at Angeline Quinto ang respective theme songs ng “Init Sa Magdamag” at “Huwag Mangamba” with a full orchestra as accompaniment.

Ang bagong partnership ng WeTV/iflix and ABS-CBN would have a wider reach and diverse audiences plus cost efficient.

Samantala, bukas din ang WeTV/ilflix in co-producing original materials kaya hindi rin malayong makipag-collaborate din sila with ABS-CBN para sa ibang original content.

Mariel nawawala sa TV scene pero abala sa vlog

Mariel Rodriguez
Mariel Rodriguez

BUMIGAT ng halos 200 lbs. last December ang TV host at misis ni Robin Padilla na si Mariel Rodriguez. Pero pagsampa ng 2021 ay nag-set siya ng goal ng pagpapapayat. She started dieting at nag-exercise at mabilis nawala ang 42 lbs. sa kanya. She is now down to 155 lbs. Ito’y kanyang ibinahagi sa kanyang latest vlog.

A mother of two, Maria Isabela (4) and Maria Gabriela (1), Mariel admits that she is a hands-on wife to her husband na si Robin and mother sa dalawa nilang anak.

Samantala, marami ang nagtaka kung bakit hindi na muli napanood si Mariel sa recent episodes ng “Pinoy Big Brother: Connect” at hindi na rin siya nakabalik sa “It’s Showtime” matapos niyang isilang (sa Amerika) ang kanilang second daughter ni Robin na si Gabriela.

Since walang TV show ngayon si Mariel, ang isa niyang pinagkakaabalahan ay ang pagiging vlogger.

Mark Anthony gustong makasama sa isang project ang anak na si Grae

Mark Anthony Fernandez and Grae Fernandez
Mark Anthony Fernandez and Grae Fernandez

PAREHONG nasa bakuran na ng Viva Artists Agency (VAA) ang mag-inang Alma Moreno at Mark Anthony Fernandez habang nasa Star Magic ng ABS-CBN naman ang panganay ni Mark na si Grae Fernandez.

Sa digital presscon ng “Biyernes Santo,” ang Holy Week offering ng Viva Films na mapapanood sa Vivamax on March 16, may nag-suggest na maganda siguro kung magsasama sa isang proyekto ang tatlo o kung hindi man ang mag-amang Mark Anthony at Grae Fernandez. Sold siyempre sa idea si Mark na matagal-tagal ding hindi napanood sa big and small screen.

Si Mark Anthony ay isa sa mga tampok sa pelikulang “Biyernes Santo” na dinirek ni Pedring Lopez kung saan tampok ding mga bituin sina Ella Cruz, Gardo Versoza, Andrea del Rosario at Via Ortega.

Bilang ama, although hindi sila magkasama, very proud si Mark Anthony sa takbo ng career ngayon ni Grae with his new loveteam na si Kira Balinger. Ang team-up ng dalawa ay nabuo sa hit primetime TV series na “Ang Iyo ay Akin” na magtatapos ngayong gabi.

Proud lola naman si Alma Moreno sa kanyang apong si Grae na gusto rin niyang makatrabaho sa isang proyekto balang araw.

Digital concert ni Sarah nakahanda na

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

MATAPOS ang matagumpay na “Freedom: The Regine Velasquez Valentine Digital Concert” ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez last February, hindi naman magpapahuli ang pop superstar na si Sarah Geronimo sa kanyang “Tala: The Film Concert” na mapapanood worldwide sa darating na march 27 (Saturday) at 8 p.m. sa KTX.Ph, iWant TFC, at TFC IPTV.

Produced by Viva Entertainment, ang tickets ay mabibili at P3,000 for VVIP at P1,500 naman sa regular at $25 sa labas ng Pilipinas.

Si Paul Basinillo ang direktor nito with Louie Ocampo as musical director.

Samantala, ayaw pang i-reveal kung sino ang surprise guest ni Sarah who will be doing two production numbers bukod pa sa 18 selected songs ng pop star including her monster hit song na “Tala” which was released in 2016.

Ang “Tala: The Film Concert,” Sarah’s first digital concert was taped last December sa Big Dome (Araneta Coliseum).

Subscribe, like, share the hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on YouTube and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger