Home>Entertainment>Showbiz>Actress na may split personality iniiwasan

Actress na may split personality iniiwasan

Rey PJ Abellana at Jojo Abellana
Rey `PJ’ Abellana and Jojo Abellana

MARAMI ang nanghihinayang sa not-so-young actress na ito na kahit magaling umarte ay matagal nang hindi nabibigyan ng proyekto dahil sa kanyang bad attitude.

Matagal nang napapabalita ang balik-tambalan nila ng isang sikat na actor na nakatrabaho niya noon sa isang hit movie nila at plantsado na umano ang kanilang balik-proyekto that only God knows kung matutuloy pa ito.

Kilala sa pagkakaroon ng split personality ang nasabing actress. Kahit ang isang bagong producer na balak sanang kunin ang serbisyo ng actress ay umatras dahil sa kakaibang ugali nito. Mabuti na lamang at hindi pa umano sila nakapag-simula sa proyekto na nakatakda sanang idirek ng isang kilala at premyadong director.

Bukod sa split personality ng aktres ay kilala rin ito sa pagkakaroon ng controversial na buhay.

Rey ‘PJ’ nawalan ng project dahil sa nanay ni Carla

ULILA nang lubos sa magulang ang magkapatid na Rey `PJ’ at Jojo Abellana at tatlo pa nilang siblings (all boys) matapos magkasunod na taon sumakabilang-buhay ang kanilang mga magulang.

Hindi ikinakaila ng ama ng Kapuso actress na si Carla Abellana na may anim siyang anak sa tatlong magkakaibang babae with two annulled marriages.

Dalawa ang kanyang anak sa kanyang first ex-wife, ang dating aktres na si Rea Reyes, sina Erica at Carla. Dalawang babae rin ang anak niya sa kanyang second ex-wife at dalawa rin sa kanyang present non-showbiz wife, a girl and a boy. Pero sa kabila na magkakaiba ang ina ng kanyang anim na anak, Rey made it a point na close ang magkakapatid.

Sa anim na anak, his second child, Carla lamang ang pumasok sa showbiz pero ang panganay niyang si Erica ay nag-model din noon.

Si Rea ay dati ring aktres at anak ng dating LVN actress na si Delia Razon (of German and Spanish descent).

Nagsimula si PJ sa kanyang showbiz career in 1982 sa tulong ng kanyang namayapang manager na si Alfie Lorenzo at kapanabayan niya noon ang iba pang alaga ni Alfie na sina Lito Pimentel, Patrick de la Rosa at Edgar Mande.

Parehong naging bahagi sina PJ at Rea sa popular TV drama series noon na “Anna Liza” na pinagbidahan ng yumaong young star na si Julie Vega. Sa nasabing serye rin nabuo ang loveteam nila ng isa pa niyang co-star sa serye na si Leni Santos. Pero hindi siya sa kanyang ka-loveteam na-in love kundi kay Rea na bagong pasok pa lamang noon sa serye.

Hindi ikinakaila ng actor na na-love at first sight umano siya noon kay Rea kaya niya ito niligawan. Hindi nagtagal ay nagtanan ang dalawa much to the disappointment ng fans nila ni Leni, ng parents ni Rea maging ng manager ni PJ na si Alfie. Dahil dito, pansamantalang nagkaroon ng set back ang showbiz career ng aktor at mahigit isang taon umano siyang nawalan ng trabaho at proyekto hanggang sa unti-unti siyang nakabawi.

While still in college sa UST, nagsimula sa pagiging ramp model si PJ. Sa isang modeling stint sa dating Silahis Hotel (along Roxas Blvd., Manila), namataan siya ni Alfie kung saan kasama nito noon ang movie queen na si Susan Roces. Backstage, kinausap umano siya ni Alfie kung gusto niyang mag-artista.

Bukod kay PJ, pinatira ni Alfie ang kanyang mga talent including Edgar, Patrick at Lito sa kanyang rented apartment noon sa may Liberty St., Murphy, Cubao, Quezon at tinawag niya ang kanyang mga alaga na Liberty Boys at isa-isang namayagpag ang apat ng aktor sa kanilang showbiz career. Sa apat, tanging sina Lito at PJ na lamang ang aktibo hanggang ngayon habang si Edgar ay matagal nang naka-base sa Los Angeles, California with his new wife. Si Patrick naman ay pinasok ang pulitika noon bilang board member ng Oriental Mindoro pero siya’y na-involved sa isang matinding kontrobersiya in 2010 na siyang naging dahilan na kanyang tuluyang paghinto sa showbiz. He has been in and out of the country.

Si Lito ay suki na ng mga teleserye ng ABS-CBN habang freelancer naman si PJ na bukod sa acting ay madalas pa ring maimbitahan sa iba’t ibang singing engagements.

“Lahat kaming magkakapatid kumakanta, pero kami lang ni Jojo ang nag-pursue ng career,” pahayag ni PJ.

Ang palayaw niyang PJ ay ang kanyang popular character na ginampanan sa kanyang first TV series, ang “Anna Liza” nung dekada 80. Kahit siya mapunta ay PJ na ang tawag sa kanya ng mga tao hanggang tuluyan na niyang in-adapt ito.

“Apat na dekada na rin ako sa industriya,” he shares.

Matindi man ang pinagdaanan ng lahat nung nakaraang taon, umaasa si PJ na magiging maganda ang pasok ng bagong taong 2021 for everyone.

Jojo may pakiusap sa nanay ng tatlong anak

MAHIGIT tatlong taon nang hindi nakikita at nakakausap ng singer-actor na si Jojo Abellana ang kanyang tatlong anak sa kanyang ex-wife na nagngangalang Annalyn magmula nang dalhin nito ang mga bata sa Japan.

Mahal na mahal ni Jojo ang mga anak at patuloy umano siyang nagdarasal na sana’y lumambot ang puso ng kanyang dating misis at huwag ipagkait sa kanya ang mga bata.

“Alam kong may sarili na siyang buhay sa Japan pero sana ay huwag niyang ilayo sa akin ang mga anak namin,” pakiusap ni Jojo na hindi napigilan ang mapaiyak.

Inamin din sa amin ng singer-actor na may bago umano siyang inspirasyon ngayon at isang taon na rin ang kanilang relasyon.

Si Jojo ay nagsimula ng kanyang showbiz career in 1992 nang siya’y maging bahagi ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” kung saan nabuo ang tambalan nila ni Jennifer Mendoza, his first love.

Hindi man sila ang nagkatuluyan ni Jennifer, nananatili pa rin silang magkaibigan at nakilala na rin niya ang non-showbiz husband ng singer-actress.

Tulad ng elder brother niyang si PJ Abellana, umaasa si Jojo na magiging busy siya sa taong ito ng 2021.

Jenine hinintay na mag-post si Janella tungkol sa anak

Jenine Desiderio
Jenine Desiderio

HININTAY muna ng singer-actress na si Jenine Desiderio na mag-post ang anak niyang si Janella Salvador at partner nitong si Markus Paterson na may kinalaman sa kanilang baby na si Jude Trevor Paterson at saka lamang sumunod ang veteran singer-actress na ang bagong role ay ang pagiging yaya ng kanyang unang apo.

Kung matatandaan pa, lumipad si Jenine and her younger son na si Russel patungong United Kingdom last September to be with her daughter sa pagsilang ng kanyang apo nung October 20, 2020.

Up to now ay nasa U.K. pa rin si Jenine and son Russell para tumulong sa pag-aalaga kay Baby Jude at malamang sabay-sabay na sila nina Janella at Markus na bumalik ng Pilipinas.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo. Follow me on Instagram and Facebook:@asteramoyo and Twitter:@aster_amoyo

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Talent manager, TV host, vlogger