After Alden, it's Maine's turn

August 22, 2019
Maine Mendoza

PHENOMENAL ang success ng tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza o AlDub.

Kung gaano kabilis sumikat, ganun din kabilis nabuwag. Theirs was really an overnight success, literally and figuratively. Nonetheless their tandem catapulted them to fame and fortune.

Hindi na rin nasundan ang kanilang pelikulang "Imagine You and Me." At mukhang malabo na raw matuloy ang kanilang teleserye. Marahil wala pang dahilan na nakikita para pagsamahin sila sa isang teleserye o maging sa pelikula. Siguradong hindi na rin ganun kainit susuportahan ito ng kanilang fans. Nagkaniya-kaniya na rin kasi sila ng sariling landas sa showbiz.

First to bounce back in a major way is Alden. Bawing-bawi siya sa tagumpay ng kanilang pelikula ni Kathryn Bernardo na "Hello, Love, Goodbye." He is now a certified blockbuster actor. Kumpleto na ang kanyang pagiging artista. At ang ABS-CBN-Star Cinema pa ang nakapagbigay sa kanya ng ganitong tagumpay. 

Mukhang ito naman ang gustong maranasan ni Maine sa Kapamilya network. She is paired with Carlo Aquino for a movie under Black Sheep Productions. The said film outfit is ABS-CBN's movie arm that produces mainstream indies or the so-called "mandies." Kaya iba ito sa formula na ginagawa ng Star Cinema. But both movie productions enjoy the same mileage in terms of publicity, promotion and distribution. Dahil dito, inaasahan na papatok din sa takilya ang pelikula ng dalawa. But frankly speaking, both Carlo and Maine have no solid track record of box office hits. Dito masusubukan ng fans ni Maine na hindi lang puro ingay sa social media ang kaya nilang gawin.

Mukhang mahirap mapantayan ang box office success ng KathDen movie. Ito ngayon ang malaking hamon sa fans ni Maine. Kaya ba nilang gawing highest grossing movie ng Black Sheep ang pelikula ng kanilang idol? Just asking...

Disclaimer:

For comments/reactions call or text 0905-558-4811 or email us at justasking_pj@yahoo.