Aga babawi ng awards

February 08, 2020

MAHIGIT 50 awards ang nakatakdang igawad ng taunang Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Memorial Scholarship Foundation sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila sa darating na March 15 (Sunday).

Kung hindi man nakakuha ng kahit anong parangal si Aga Muhlach at ang kanyang pelikulang “Miracle in Cell No. 7” sa nagdaang 2019 Metro Manila Film Festival’s awards night, dalawang major awards naman ang kanyang tatanggapin sa 51st Box Office Entertainment Awards, ang Box Office King at Film Actor of the Year kung saan niya ka-tie ang Kapuso actor na si Alden Richards.  Ang child star na si Xia Vigor naman ang nanalong Box Office Queen also for the movie “Miracle in Cell No. 7”.

Ang dalawang awards na matatanggap ni Aga ay may kinalaman sa kanyang MMFF box office hit movie na “Miracle in Cell No. 7” habang sina Kathryn Bernardo at Alden Richards naman ang  tinanghal na Phenomenal Stars of the Year.  Si Kathryn Bernardo rin ang tinanghal na Film Actress of the Year for the movie “Hello, Love, Goodbye” na pinagtambalan nila ni Alden Richards nung isang taon.