Ai Ai aalagaan na lang ang mga anak kaysa Ex-B

May 17, 2019

SA simula pa lamang ng pag-anunsyo ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas in 2017 na siya na ang tumatayong manager ng viral rap group na Ex-Battalion, marami ang nagulat at nagtaka at may mga nagsabi ring sakit sa ulo ang pinasok ng misis ni Gerald Sibayan. But the doubting Thomases shut up nang magtuluy-tuloy ang `magandang’ relasyon ni Ai-Ai sa kanyang mga alaga na nakasama pa niya sa recently-shown Mother’s Day offering,  “Sons of Nanay Sabel” na dinirek ni Dado Lumibao under Viva Films in co-production with Ai-Ai.

All this time pala ay nagkaka-problema na si Ai-Ai sa kanyang talents kaya nang hindi na nito ma-control ang kanyang mga anak-anakan ay siya na mismo ang bumitaw dahil sa pagiging unprofessional ng ibang members at siya ang nasusubo sa kahihiyan.

In fairness to Ai-Ai, mas naalagaan pa nga niya ang career ng Ex-Batallion kesa sa sarili niyang anak na si Sancho de la Alas na nasa showbiz narin.

Kesa nga naman masira siya sa kanyang mga kausap (for the group) at ma-stress pa lalo ay binitawan na niya ang rap group.