Ai Ai believes husband Gerald is ‘God-given'

Ai Ai Delas Alas and Gerald Sibayan
Ai Ai Delas Alas and Gerald Sibayan

AI AI De Las Alas is happy over the good feedback that her new movie, “Sons of Nanay Sabel”, got from those who saw it in its premiere night at SM Megamall. “Ang lakas ng tawanan ng mga tao at lahat sila, nagsasabing may K naman palang mag-artista 'yung mga Ex Battalion,” she says. “Kaya 'yung laksa-laksang fans ng Ex Battalion na nanonood ng concerts at gigs nila, heto na ang chance nilang mapanood ang idols nila sa big screen at tiyak na masisiyahan sila sa mapapanood nilang acting ng grupo at sa musical numbers na may mga bago silang kantang maririnig dito. Mismong mga Ex Battalion nga, tuwang-tuwa nang makita nila ang mga mukha nila on the big screen, pero aminado silang napakahirap mag-artista at gusto nilang kumanta na lang sila. In fairness sa mga alaga ko, pumuti naman ang mga mukha nila on screen dahil sa ilaw. Kuminis-kinis naman sila at nagka-star quality.”

Her only daughter, Sofia, is also introduced in the movie. “Special participation siya. Gusto rin kasi niyang mag-try na maging artista. Kaya lang, ayaw niya nung maraming sinasabi sa kanya, naiingayan daw siya. Lalong ayaw niya ng mga intriga. Sabi ko nga, anak, hindi ka bagay mag-artista kasi yang intriga, kasama yan sa trabaho, e. I’m sure later on, maba-bash siya at mas lalong ayaw niya noon.”

How about her? She once threatened to sue some bashers. “Ay, hayaan mo na lang 'yun. It’s better to choose your battles. Hindi lahat, dapat mong patulan, lalo na sa social media na hindi mo naman sila kilala, tapos, papatulan mo. Move on na lang tayo.”

After “Sons of Nanay Sabel”, which opens in theaters today, she has two other movies coming up. “Buti nga’t sunud-sunod ang projects ko kasi next year, balak kong mag-baby na kami ng husband ko,” she adds.

Does she still get intensely jealous like before? “Ay, hindi na. Dati 'yun, selosa ako. May mag-good evening lang sa text sa asawa ko, inaaway ko talaga, matapang ako. Sabi ko, alas onse na ng gabi, ba’t nagte-text ka pa sa asawa ko kung wala kang intensiyong maglandi? Pero ngayon wala na. April 12, 2014 nang maging kami and we got married sa church noong December 17, 2017, so matagal na rin kami at napatunayan ko nang faithful talaga siya sa akin. Habang tumatagal, mas nararamdaman ko ang pagmamahal niya sa’kin.  Mabait siya, ni hindi nga kami nag-aaway, mga minor asaran lang. E, sa mga nakarelasyon ko before, sanay ako na talagang upakan. E, kami ngayon, masyadong mapayapa. Diyan ko napatunayan na ang isa palang relasyon, puwede ring mag-survive kahit walang mga away-away. At saka masipag siya sa buhay, ayan nga, malapit na siyang matapos sa pag-aaral niya para maging pilot. Nagpapasalamat talaga akong ibinigay siya ni Lord sa akin, kaya lagi kaming sabay nagsisimba at nagko-communion.”

So did she give her ward, Jon Gutierrez (King Badger of Ex Battalion), any advice when his marriage to Jelai Andres collapsed? “Siyempre naman, sa dami ng mga pinagdaanan ko, puwede na talaga akong magbigay ng advice. Kasi parang magulang na nila ako, nanay, at ayokong mapariwara ang sinumang anak ko. Kaya sabi ko, i-save niya yung marriage nila kasi nangako sila sa Diyos na for better or for worse, so dapat, tuparin nila. Lahat naman nagkakamali at inamin naman ni Jon na nagkamali siya. Ewan ko naman kasi kung bakit may mga babaeng kahit alam na may asawa na ang lalaki, nilalandi pa rin. Ang dami namang ibang lalaking puede nilang patulan. Una sa lahat, kapag taken na, huwag mo nang landiin, at kung ikaw ang lalaki, huwag ka nang pumatol dahil masama 'yun.”