Ai Ai gustong bigyan ng anak ang batang mister

February 03, 2019
Ai-Ai de las Alas

SA tulong  ng modern medical science, hindi na imposible ngayong magkaroon ng anak ang mga childless couple sa tulong ng in vitro fertilization procedure  at paggamit ng surrogate mother kung hindi na kayang magbuntis ng isang ina o babae.

Ang prosesong ito ay plano na ring gawin ng Concert Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas next year dahil gusto niyang bigyan ng anak ang kanyang young husband na si Gerald Sibayan (24).

Ang youngest sister ng namayapang King of Pop na si Michael Jackson na si Janet Jackson had her baby when she was 52.  Fifty four na si Ai-Ai ngayon  and turning 55 on November 11 this year.

As much as possible, gusto ni Ai-Ai na siya mismo ang magbuntis sa magiging first baby nila ni Gerald pero kung hindi na ito magiging possible at malamang gumamit sila ng surrogate mother tulad ng ginawa ng mag-asawang Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa  kanilang three-year-old daughter  na si Scarlet Snow Belo.

At the presscon ng “Hitmakers and Ai” na pinagsasamahan nila nina Hajji Alejandro, Rey Valera at Marco Sison na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater in Resorts World Manila on February 15, inamin ni Ai-Ai na gusto niyang paghandaan ang pagkakaroon nila ng baby ng mister niyang si Gerald kaya gagawin nila ito in 2020 sa pamamagitan ng assisted reproductive treatment tulad ng IVF o  in vitro fertilization.

Kung ang mag-asawang Ice Seguerra at Liza Dino ay nagsimula na sa proseso by harvesting Ice’s good quality eggs na ihahalo sa sa sperm ng isang American donor  mula sa cryobank at saka ililipat kay Liza para  sa kanyang pagbubuntis, ang kaibahan lamang ng kay Ai-Ai ay mula kay Gerald mismo manggagaling ang sperm.

Malalaki na ang mga anak ni Ai-Ai from her previous relationships na sina Sancho, Nicolo at Sophia kaya pangarap din niyang mabigyan ng anak ang kanyang mister ngayon na si Gerald.

Samantala, may halong excitement at lungkot ang nararamdaman ngayon nina Ai-Ai, Hajji, Rey at Marco sa pagsasama ng “Hitmakers and Ai” sa darating na February 15 concert  sa Resorts World Manila produced by Starmedia Entertainment dahil hindi na nila makakasama si Rico J. Puno na sumakabilang-buhay nung nakaraang October 30, 2018 dahil sa sakit sa puso.

Napakalaking kawalan si Rico J. hindi lamang sa Hitmakers kundi maging sa buong industriya ng musika.

Bilang pagkilala sa mga naiambag ni Rico J. sa musika at entertainment world, magbibigay ng tribute sina Hajji, Rey at Marco kasama si Ai-Ai sa kanilang nalalapit na concert sa Resorts World Manila.