AI-Ai pwede nang magtayo ng panaderya

April 06, 2020

PUWEDE nang magbukas ng kahit maliit na bakery si Ai-Ai de las Alas dahil nitong nasa enhanced community quarantine ang bansa, nagkaroon siya ng time na mag-practice gumawa ng iba’t ibang klase ng tinapay.

Pinost ni Ai-Ai ang ube pandesal na kanyan ginawa at ang sabi, “ika 3rd day ko na mag-bake, Sunday ube pandesal, Monday ensaymada, ngayun ube pandesal ulit, and mamaya pork bun.”

Ginawa nga niya ang pork bun, pinost ang picture at may caption na, “Practice baking ng pork bun... infer masarap and maganda yung bread... salamat naman...”

Sa isa pa niyang post, pinagsama-sama niya ang pork bun, sausage rolls, siopao, chicken bun na kanyang ginawa at mai-imagine mo ang tuwa ni Ai-Ai sa kanyang mga tinapay habang binabasa ang caption.

 “Ang dami ko nang na practice na bread — kahapon pork bun, ngayun chicken bun, siopao at saka sausage rolls... after ng lockdown order kayo saken ha... pag meron ng pambili at pwede ko na din ipa deliver... hehe... parang bukas pizza naman gagawin ko  haha palaki nang palaki.”

Marami na nga ang nag-o-order kay Ai-Ai, may nag-request na mag-YouTube na siya at may nanghihingi ng recipe para mag-bake rin sila ng mga tinapay na bine-bake ni Ai-Ai.

Samantala, pinost din ni Ai-Ai ang simula ng online audition ng The Clash, kung saan isa siya sa resident judges kasama sina Christian Bautista at Lani Misalucha.

Season 3 na ng The Clash at naghahanap ang GMA Network ng susunod kina Golden Caῆedo at Jeremiah Tongco, winners, respectively, ng Seasons 1 and 2 ng all-original Filipino singing competition.

Nagsimula ang audition noong April at pwedeng i-submit ang audition piece ng applicants sa website ng GMA Network.

Ang hinahanap sa mga mag-o-audition ay nasa edad na 16-21, may lahing Pilipino.

Kung sa tingin mo may ibubuga ka sa pagkanta, mag-audition na at baka ikaw ang susunod na tatanghaling winner.