Aicelle natutuwang makasama si Derrick sa Rak of Aegis

June 12, 2019

MASAYA ang internationally-acclaimed Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil makakasama niya sa teatro ang Kapuso heartthrob na si Derrick Monasterio sa Rak of Aegis Season 7 simula ngayong Hulyo.

Ani Aicelle, "I've always told him he has this brilliant voice and I think eto 'yong perfect time para makita ng mga tao. Sabi ko nga sa kanya na masaya ako na dito niya mararanasan 'yun dahil maaalagaan talaga siya ng show and maraming-marami siyang matututunan.”

Feeling blessed din si Derrick dahil parte na siya ng longest-running Pinoy musical. Ibinahagi niya ang ilang tips na natutunan niya mula sa award-winning performer na si Aicelle. "Tapon ko lang daw 'yong boses ko kasi lalabas 'yan — like open your mouth, just sing, and ibigay ko lang daw lahat. Kasi sa umpisa, ganon din daw siya, parang nahihiya-hiya. Pero nung tumagal na, nung nabuo na 'yong camaraderie ng group, lumabas na 'yong personality niya and voice niya," pahayag ni Derrick.