Aicelle Santos ginulo ng mga gamu-gamo ang performance

July 14, 2020
Aicelle Santos
Aicelle Santos

TULAD ng mga naka-work-from-home ngayong COVID-19 pandemic, nakaranas din ang Kapuso singer na si Aicelle Santos ng challenges sa kanyang setup sa pagtatrabaho. 

Sa kanyang Instagram video ay ipinakita ni Aicelle ang mga pangyayari habang siya ay kumakanta sa kanilang bahay para sa All-Out Sundays.

Sa gitna kasi ng kanyang shoot ay nilalapitan siya ng mga gamu-gamo kaya naman kinailangan siyang tulungan ng kanyang asawang si Mark Zambrano. 

Ayon sa caption ni Aicelle, "The unglamorous side of WorkFromHome. Watch 'til the end! Big thanks to my cameraman, lightman, wardrobe and insect control guy, @markzambrano. Salamat mahal ko. #AllOutSundays #bloopers"

Makikita ang nakakatawang behind-the-scenes video ng work-from-home setup ni Aicelle Santos sa kanyang Instagram account.