Aiko Melendez ano talaga ang weight loss secret?

June 26, 2020
Aiko Melendez

FROM size 10, size 6 na lang ngayon ang ‘Prima Donnas’ star na si Aiko Melendez. Sa latest vlog ng aktres, ikinuwento niya na calorie-counting daw ang naging diet plan niya. Noong unang buwan daw ay 500 calories per day lang ang meal niya sa buong araw. Nag-adjust siya to 1,000 calories per day noong second month ng diet niya at halos puro fruits at vegetables ang kinakain niya.

Tip ni Aiko, “Important tip doon sa mga nagugutom lalo na kapag nagda-diet, get a glass of water and then mag-squeeze kayo ng lemon. Because that's supposed to suppress your appetite para mawala niya 'yung hunger pangs na tinatawag, 'yun 'yung urge ninyong kumain.”

Dagdag ni Aiko, kaya raw siya nag-diet ay dahil gusto niyang maging healthy. “Lahat ng mga tao, usually, ganitong quarantine, ang ginawa, kumain nang kumain. Ako, binaliktad ko. Nagpapayat ako. Gusto ko maging healthy ako at gusto ko pagbalik ko sa TV via Prima Donnas, masa-shock ang tao sa akin dahil kalahating tao ang makikita nila kay Kendra.”