Aiko at politician boyfriend may pinagdadaanan

May 28, 2019
Aiko Melendez

JUST like any other relationships, mukhang may pinagdadaanan ngayon ang relasyon ng magkasintahang Aiko Melendez at ng bagong halal na vice-governor ng Zambales na si Jay Khonghun.

Lumipad mag-isa si Aiko patungong Las Vegas, Nevada para sundan ang kanyang dalawang anak na sina Andre at Marthena kasama ang lola ng mga bata at ina ni Aiko na si Elsie Blardony.  Kapag sumunod doon si VG Jay ay nangangahulugan lamang na mahal talaga nito ang kanyang kasintahan. On the other hand, kailangan ding mag-stay sa city hall ng Subic si Jay dahil kailangan pa nitong ayusin at tapusin ang mga natitira nitong proyekto bilang mayor ng Subic at mag-turn over sa susunod na uupo na mayor ng siyudad.

Aware ang marami (laluna ng mga taga-Zambales) sa sakripisyong ginawa ni Aiko sa nakaraang kampanya para ikampanya ang BF.  Forty five  days ang hininging ‘leave of absence’ ni Aiko sa kanyang trabaho bilang aktres para lamang suportahan ito.