Aiko, rumesbak sa mga nag-akusang bayaran siya ni Gretchen

March 01, 2019

Umani ng katakut-takot na opinyon at reaksyon ang ipinost ni Aiko Melendez na listahan niya ng Most Beautiful Faces sa showbiz industry na with or without make-up ay napakaganda raw because of their good souls.

“Making my own list of the most beautiful faces we have in our industry. With or without make-up. Some actresses are even more beautiful, because of their good souls. Some I haven’t worked but i really do find them beautiful,” ang caption ni Aiko sa mga larawan ng artistang para sa kanya ay may most beautiful faces.

Sa bandang ibaba ng caption ay ang names ng kanyang list na tinag pa niya.

Ito ay sina Dawn Zulueta, Marian Rivera, Mariel Rodriguez-Padilla, Dina Bonnevie, Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Gretchen Barretto, Liza Soberano, Bea Alonzo and Maja Salvador.

Ang daming nambash kay Aiko dahil hindi sila agree sa ibang choices ng akres.

Pinakamaraming kwestiyon ay kung bakit kasama sa listahan niya si Greta.

Ang iba ay idinamay na si Aiko sa away ni Greta at ni Kris Aquino.

Baka raw kasama siya sa binayaran para kumampi sa una.

May nagtanong din kung bakit ’di kasama sa list sina Kris, Anne Curtis, Angel Locsin, Kim Chiu, Alice Dixson at marami pang iba.

Sumagot naman ang ibang netizens na gawa rin sila ng sarili nilang listahan. Pero ang dami ring nagtanong kung bakit hindi sinama ng aktres ang sarili niya.

Sa dami ng nag-react, in her latest post, Aiko gave her piece about the matter.

“The open comment on my Instagram doesn’t give the people the right to be mean and disrespectful, You can disagree on my post. Open comment section doesn’t give anyone any right to humiliate or belittle someone. Call out my views but in a decent or tactful way!  

“As I’ve said, the list i made was my opinion, and this is my account, I will post whatever i want.

“Otherwise kayo na si Aiko! #NotallowinganyoneToDictatewhattoPost #nomakeupday heheramin ko linya ni Ivy Aguas! #wagako,” ang post ni Aiko.

May nagkomento ng, “Hi daw… from mareng kris” at sinagot naman ito ni Aiko.

“Hello also, ’wag mo kami gawan issue. ’Di ako kasama sa ganyan. Peace!” sagot ni Aiko.