Aiko sinampahan ng libel ang kalaban ng boyfriend

May 08, 2019
Aiko Melendez

HINDI na pinalampas ng aktres na si Aiko Melendez (43) ang ginawa umanong akusasyon sa kanya na may kinalaman sa drugs ng sitting vice-governor ng Zambales na si VG Angelica `Angel’ Magsaysay Chen. Kaya ito’y sinampahan niya ng libel case last Tuesday, May 7 sa Olongapo Regional Trial Court sa tulong ng kanyang abogadong si Atty. Carlo Alentajan.  Ito’y sinamahan pa ni Aiko ng kanyang recent laboratory drug test result.

Ilang araw na lamang ang nalalabi bago ang May 13 mid-term elections pero lalong nagiging malala ang siraan at batuhan ng putik ng mga mga kandidato against their political rivals.

Ang present boyfriend ni Aiko na si Mayor Jay Khonghun ng Subic, Zambales ay kandidato ngayon sa pagka-vice governor ng Zambales at katunggali sa pulitika ni Vice Gov. Angel Magsaysay Chen.

Samantala, sa May 13 ay magkakaalaman na kung sino kina Vice Governor Chen at Mayor Khonghun ang papaboran ng mga botante ng Zambalez.