Aiko sinundan ng politician-BF sa Las Vegas

May 30, 2019
Aiko Melendez
Aiko Melendez

MUKHANG naayos na ang kaunting problema sa pagitan ng magkasintahang Aiko Melendez at Zambales vice-governor-elect na si Jay Khonghun dahil sumunod ang huli sa Las Vegas, Nevada kung saan sinundan ni Aiko ang dalawang anak na sina Andre at Marthena kasama ang kanyang inang si Elsie Blardony.

Just like any other couples, hindi rin ligtas sina Aiko at Jay sa disagreements at tampuhan.

Sa loob ng 45 days ay hindi tumanggap ng trabaho si Aiko para tumulong sa kampanya ng kanyang boyfriend, ang outgoing mayor ng Subic at incoming vice-governor ng Zambales.  Nag pay-off naman ang pagod ni Aiko dahil nanalo ang kanyang politician boyfriend ganundin ang kapatid nitong si Jon Khonghun na siyang nanalong mayor ng Subic at ang kanilang amang si Rep. Jeff Khonghun bilang kinatawan ng Subic, Zambales.

Ngayong tapos na ang kampanya at halalan, balik-trabaho naman si Aiko sa isang bagong serye ng GMA.