Aktres, ’di na kailangang magpaseksi dahil...

March 06, 2019
Cristine Reyes

I’m sexy! -- Cristine.

KABOG ang bagong Viva movie ni Cristine Reyes dahil fierce na fierce ang dating niya sa promo materials at trailer bilang isang babaing assassin sa Maria.

Dumaan siya sa matinding training para sa character kahit magkandasugat-sugat na siya.

Take note, wala rin siyang double sa pakikipagbakbakan niya sa mga kalaban.

“This is my favorite movie,” deklara ni Cristine sa mediacon ng pelikula kahapon.

So kakabugin niya si Anne Curtis na pinasok din ang action film sa Buy Bust?

“We have different styles. I am an assassin here so I know what I’m doing,” saad ni Cristine.

Binuhos ba niya lahat ng galit niya sa role niya?

“You know what, ’pag nagtatrabaho ako, I’m serious. Yeah, I’m really serious with work. Now that I am a mother, I value my work more. So ano ang hiningi sa akin ng director, ng writer, pinag-aaralan ko. Ayokong umuwi ng nagmamadali,” katwiran ng aktres.

Meron din ba siyang sexy scenes dito na isa sa mga rason kung bakit nagustuhan siya ng mga lalaking fan niya?

“Well, honestly, wala akong intimate sexy scenes dito. But I guess I can say naman na hindi ko kailangang magpaseksi para tangkilikin ang project. ’Yung buong pelikula ang dapat nating tingnan.

“And at the same time, I am sexy so hindi na kailangan,” pagmamalaki ni Cristine.

So, kumusta na siya ngayon?

“Mabuti! Very contented with my work and everything,” saad ng aktres.

Mula sa direksyon ni Pedring Lopez ang Maria na mapapanood sa March 27.