Home>Entertainment>Showbiz>Albee B: Hero ng jobless talents from ABS-CBN

Albee B: Hero ng jobless talents from ABS-CBN

Albee Benitez
Albee Benitez

MUKHANG mas tutok ngayon ang businessman at dating kinatawan ng ikatlong distrito ng Negros Occidental na si Albee Benitez sa pagiging TV producer sa pamamagitan ng kanyang bagong tatag na Brightlight Productions. He has a good relationship with both ABS-CBN and Cignal TV kaya naging posible ang kanyang pagpu-produce ng iba’t ibang TV programs using Kapamilya talents – actors, TV personalities, directors, production staff at iba pa.

Sa pagpasok sa TV production ni G. Benitez ay marami sa mga artista at production people ang nagkaroon muli ng trabaho matapos magsara ang ABS-CBN. Ang magandang balita, Brightlight Productions is also collaborating with Star Cinema for a new TV series na pinamagatang “Love On The Move” kung saan featured din ang talents ng ABS-CBN.

Ang TV series na tatagal ng 13 episodes or one season ay bubuuin ng apat na love stories. Ang unang love story ay tatampukan nina Elmo Magalona, Elisse Joson at ang Rise artist nasi JC Alcantara.

Ang Rise Artists Management ay ang talent arm ng ABS-CBN Films. Ito’y bukod sa Star Magic ng ABS-CBN Network.

Ang “Love On The Move” ay pampitong TV program na ng Brightlight Productions kung saan ang head ng admin at operations ay walang iba kundi si Pat-P Daza na isa sa dating head of Artist Relations and Mall Shows ng ABS-CBN at dati ring ka-tandem ng veteran radio broadcaster (at voice over announcer ng ABS-CBN)na si PeterMusngi sa “Pasada Sais Trenta” ng teleradyosa DZMM.

Ang anim pang programa ng Brightlight Productions na napapanood ngayon sa TV5 ay ang Sunday musical variety show na “Sunday Noontime Live” or SNL, ang daily noontime show na “Lunch Out Love,” ang weekly TV series na “I Got You,” ang magazine show na “Rated Korina,” ang weekly gag show na “Sunday Kada” at ang weekly sitcom na “Oh My Dad!”.

Samantala, may business agreement din sa pagitan ng ABS-CBN at Cignal TV, the country’s premiere DTH satellite provider na nagta-transmit ng 130 channels at kasama na rito ang free-to-air , SD and HD channels.

May partnership din sa pagitan ng Brightlight Productions at ang Cignal TV gayundin ang ibang independent blocktime producers tulad ng Viva at APT Entertainment, among others, habang ang TV5 (subsidiary ng Cignal TV) naman ang nai-air for free broadcast.

In the absence of the franchise, nakipag-alyansa rin ang ABS-CBN with Zoe Network Channel 11 kung saan ngayon nai-air (on free TV) ang mga entertainment programs and movies ng Kapamilya Channel (excluding news programs).

Although napapanood ngayon sa TV5 ang karamihan sa talents identified with ABS-CBN, hindi naman ito nangangahulugan na sila’y nakatali na sa Kapatid Network. Ang marami sa kanila ay nananatiling Kapamilya pa rin.

Sandara loyal sa Pilipinas

KOREAN star

Sandara Park
Sandara Park

or Dara Park is turning 36 on November 12 pero hanggang ngayon ay wala pa rin itong sini-share na bagong karelasyon o boyfriend.

Si Sandara ay unang nakilala sa Pilipinas kung saan siya nagsimula ng kanyang singing and acting career in 2004 at naging bahagi ng “Star Circle Quest”. At kung kelan umaalagwa na ang career sa Pilipinas ni Sandara ay saka naman siya bumalik ng South Korea in 2007 at doon nagtuluy-tuloy ang kanyang pagiging star laluna nang siya’y mapabilang sa K-Pop group na 2NE1.

Ang maganda kay Sandara, hindi nawala ang kanyang connection sa Filipino friends and fans, pati na ang pagsuporta niya sa magagandang tanawin ng Pilipinas. Whenever she has the time ay dumadalaw siya rito and get reunited with friends. Sandara speaks fluent Tagalog hanggang ngayon.

We wonder kung magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon ng kanyang ex-Filipino boyfriend, ang actor na si Joseph Bitangcol na may asawa na ngayon, si Francheska Tonson na pinakasalan niya nung 2016 at meron na silang isang anak, si Emmanuel Sky Bitangcol.

Samantala, tuwang-tuwa si Sandara na ibinahagi sa kanyang Instagram account ang kanyang YouTube Gold Play Button award para sa kanyang Dara TV online show on YouTube na kanyang sinimulan in 2017.

Lea suportado si Biden

Lea Salonga and Joe Biden
Lea Salonga and for US Vice-President and Senator Joe Biden

SA ngayon, hindi pa opisyal na nadi-deklara ang bagong panalong Presidente ng Amerika, ang dating Vice President at former senator na si Joseph Robinette `Joe’ Biden (77).

Naging vocal si Lea Salonga sa kanyang pagsuporta sa 47th Vice President ng Amerika na si Joe Biden. Nakilala ng singer-actress at tinaguriang Broadway Diva si Biden sa 2017 Tony Awards.

Although obvious na ang panalo ni Biden, mukhang hindi pa rin ito matanggap ni US President Donald Trump at ng kanyang supporters claiming na nadaya umano sila sa bilangan. Akala namin ay sa Pilipinas lamang may ganitong scenario tuwing may halalan.

Publication Source :    People's Journal
Aster Amoyo
Member: Professional Artists Managers Inc. (PAMI)