Home>Entertainment>Showbiz>Albert muntik mag-retire mula sa showbiz

Albert muntik mag-retire mula sa showbiz

Albert Martinez

Nagbabalik-Kapuso ang batikang aktor na si Albert Martinez at marami na ang nag-aabang na mapanuod siya sa upcoming afternoon drama series na “Las Hermanas.” Bago sumabak si Albert sa lock-in taping para sa nasabing show, nakapanayam siya ni Pia Arcangel sa Tunay na Buhay.

Ngayong Miyerkules (March 23), ibabahagi ni Albert ang kuwento sa likod ng kanyang “change of heart” sa balak niya noong pagre-retiro mula sa showbiz.

Sa kanyang panayam sa Tunay na Buhay, sinabi ni Albert na naisip na niyang huwag nang bumalik sa showbiz noong kasagsagan ng pandemya. “It crossed my mind kasi nga three months akong nasa bahay lang, I was with my dad and ‘yung anak ko. Napag-isipan ko rin na enjoy ko yata yung ganitong buhay, I was telling my manager, maybe this is the right time for me to retire, because I’ve accomplished what I wanted, mga goals ko nakuha ko na rin. And I want to start something different outside show business. But sabi niya sa akin, ‘Hindi pa time to retire as long as there is the offer and demand, you’re there,’” saad ng aktor.

Maging ang hilig niya sa off-roading, ibabahagi niya rin sa programa.