Albert nago-overlap ang mga project

January 03, 2019

MALAPIT nang magtapos sa ere ang “Ngayon at Kailanman,” ang first team-up nina Julia Barretto at Joshua Garcia sa isang teleserye.  Tampok din sa nasabing TV series sina Iza Calzado, Alice Dixson, Jameson Blake, Christian Vasquez, Rio Locsin, Ina Raymundo, Dominic Ochoa, Elisse Joson at iba pa.

Ang time slot na babakantehin ng “Ngayon at Kailanman” ay siyang ookupahan naman ng bagong TV series na pangungunahan ni Angel Locsin, ang “The General’s Daughter”.

Casting coup na maituturing ang “The General’s Daughter” dahil bukod kay Angel ay tampok din sa nasabing serye sina Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Albert Martinez, Tirso Cruz III, Maricel Soriano, Janice deBelen, Eula Valdez kasama sina Lois Andalio, Ronnie Alonte at iba pa.

Ang “The General’s Daughter” ay pangalawang serye ni Albert dahil may tumatakbo rin siyang “Kadenang Ginto” sa afternoon block. Nangyari rin ito kay Albert in 2017 nang mag-overlap ang dalawa niyang serye, ang “La Luna Sangre” at “The Good Son”.