Albert at pammilya sa Canada nagkasama-sama

October 22, 2019
Albert Martinez with Alissa
Albert Martinez with Alissa

MATAPOS maihatid sa kanyang huling hantungan ang Sampaquita movie queen na si Amalia Fuentes, umalis ang 58-year-old actor na si Albert Martinez kasama ang mga anak na sina Alfonso at Alissa patungong Banff, Alberta,  Canada  para sa kasal ng bunsong anak ng actor sa namayapang misis na si Liezel Sumilang-Martinez na si Alissa sa mister na nito ngayon na si Paulus Reyes.  Doon na sila nagkita-kita ng panganay niyang anak na si Alyanna kasama and husband nitong si Roy Macam at anak na si Adalyn Riley na sa Los Angeles, California, USA naka-base.

Natuwa si Albert dahil buo ang kanyang pamilya na sandali niyang naka-bonding sa Canada kasama ang kanyang kaisa-isang apo na si Adalyn.

Tanging si Alfonso na lamang ang walang asawa sa kanyang tatlong anak.  Dahil may kani-kanyang pamilya na sina Alyanna at Alissa, there will come a time na maiiwang mag-isa si Albert kapag nagkaroon na rin ng sariling pamilya si Alfonso.

Ngayong tapos na sa ere ang hit primetime TV series na “The General’s Daughter,” balik naman ang character ni Albert bilang Robert Mondragon sa hit afternoon drama series na “Kadenang Ginto”.