Alden absent sa AlDub Christmas party

December 03, 2018
Alden Richards

IPINARATING ni Maine Mendoza ang dahilan kung bakit hindi nakarating si Alden Richards sa Christmas party na inorganisa ng AlDub Nation (ADN) last Sunday sa isang events place sa Taguig City.

Ayon sa pahayag ni Meng at  mensahe niya sa ADN, may taping si Alden ng Sunday Pinasaya. Aalis din kasi ang Pambansang Bae para magbakasyon sa Amerika kasama ang pamilya kaya kailangan niyang magpondo para sa Christmas episode ng SPS.

Pinasalamatan naman ni Maine ang lahat ng naging bahagi sa party ng ADN. Ipinaalala niyang ngayong Pasko ay pairalin ang pagmamahal at respeto sa kapwa.

Kaya huwag nang gawan pa ng isyu ang absence ni Alden sa event. Kung kaya niyang hatiin ang sarili para makapunta ay gagawin niya para mapasaya ang AlDub Nation, huh! Kaso, hindi puwede, ’no?