Home>Entertainment>Showbiz>Alden at Jasmine mai-involve sa isang lockdown love affair

Alden at Jasmine mai-involve sa isang lockdown love affair

Alden Richards and Jasmine Curtis-Smith

PUMAPASOK na sa third taping day ang inaabangang pagbabalik TV drama ni Alden Richards via the mini series, I Can See You episode na Love On The Balcony. First team up ito nina Alden and Jasmine Curtis–Smith with Pancho Magno and Denise Balbacena.

Maganda ang team up nina Alden and Jasmine na tungkol sa mga karakter na pare-parehong na-lockdown sa isang condominium building. Di makalabas kaya madalas silang magkikita sa building, particularly sa balcony sila magkakatanawan.

Dito nagsimula ang kanilang sweet relationship.

Sa kuwento, si Alden ay isang wedding videographer at assistant niya si Pancho, samantalang si Jasmine ay isang registered nurse.

Magkakaroon ng relasyon sina Alden at Jasmine kaya timely ang istorya dahil love sa panahon ng lockdown.

Mapapanood na ang I Can See You series na may weekly na iba-ibang istorya ngayong September sa GMA7.

Publication Source :    People's Tonight
Eugene E. Asis
Founding Member: Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) / Entertainment Editor, People's Journal